Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Mga Kawikaan 3:19-26

19 Nilikha ng (A)Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan;
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20 (B)Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman,
At ang mga alapaap ay nagsipatak ng (C)hamog.
21 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22 Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa,
At (D)biyaya sa iyong leeg.
23 (E)Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay,
At ang iyong paa ay hindi matitisod.
24 (F)Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot:
Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25 (G)Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot,
Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26 Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala,
At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.

Efeso 4:1-6

Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.

May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,

(J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978