Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 59

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.

59 Iligtas mo ako (B)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (C)nagpipisan laban sa akin:
(D)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(E)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
Sa makatuwid baga'y ikaw, (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (G)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(H)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (I)sino, sabi nila, ang nakikinig?
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (J)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(K)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (L)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (M)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (N)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (O)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (P)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (Q)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (R)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (S)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.

2 Mga Hari 9:1-13

Ang pasabi ni Eliseo kay Jehu.

At tinawag ni Eliseo na propeta ang isa sa (A)mga anak ng mga propeta at nagsabi sa kaniya, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at hawakan mo ang (B)sisidlang ito ng langis sa iyong kamay, (C)at pumaroon ka sa Ramoth-galaad.

At pagdating mo roon, hanapin mo roon si Jehu na anak ni Josaphat na anak ni Nimsi, at iyong pasukin at patayuin mo sa gitna ng kaniyang mga kapatid, at dalhin mo siya sa isang (D)silid sa loob.

Kung magkagayo'y kunin mo ang sisidlan ng langis, at ibuhos mo sa kaniyang ulo, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinahiran kita upang maging hari sa Israel. Kung magkagayo'y buksan mo ang pintuan, at ikaw ay tumakas at huwag kang maghintay.

Sa gayon ang binata, sa makatuwid baga'y ang binatang propeta, ay naparoon sa Ramoth-galaad.

At nang siya'y dumating, narito; ang mga punong kawal ng hukbo ay nangakaupo: at kaniyang sinabi, Ako'y may isang sadya sa iyo, Oh punong kawal. At sinabi ni Jehu, Sa alin sa aming lahat? At kaniyang sinabi, Sa iyo, Oh punong kawal.

At siya'y tumindig at pumasok sa bahay, at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y sa Israel.

At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon, upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon (E)sa kamay ni Jezabel.

Sapagka't ang buong sangbahayan ni Achab ay malilipol: at aking ihihiwalay (F)kay Achab ang bawa't batang lalake, at ang nakulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel.

At aking gagawin ang sangbahayan ni Achab na gaya ng sangbahayan (G)ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni (H)Baasa na anak ni Ahia.

10 (I)At lalapain ng mga aso si Jezabel sa putol ng lupa ni Jezreel, at walang maglilibing sa kaniya. At kaniyang binuksan ang pintuan, at tumakas.

Si Jehu ay pinahiran ng langis upang maging hari.

11 Nang magkagayon, nilabas ni Jehu ang mga lingkod ng kaniyang panginoon: at sinabi ng isa sa kaniya, (J)Lahat ba'y mabuti? bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo? At sinabi niya sa kanila, Inyong kilala ang lalake at ang kaniyang pananalita.

12 At kanilang sinabi, Kabulaanan nga; saysayin mo sa amin ngayon. At kaniyang sinabi, Ganito't ganito ang sinalita niya sa akin, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Pinahiran kita ng langis upang maging hari sa Israel.

13 Nang magkagayo'y (K)sila'y nangagmadali, at kinuha ng bawa't isa ang kaniyang kasuutan, at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan, at (L)humihip ng pakakak, na nagsasabi, Si Jehu ay hari.

1 Corinto 1:18-31

18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (A)nangapapahamak; nguni't (B)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (C)nangaliligtas.

19 Sapagka't nasusulat,

(D)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.

20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (E)sa sanglibutang ito? hindi baga (F)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.

22 (G)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:

23 Datapuwa't ang (H)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (I)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;

24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (J)kapangyarihan ng Dios, at (K)ang karunungan ng Dios.

25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.

26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (L)pagkatawag, mga kapatid, na (M)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:

27 Kundi pinili ng Dios (N)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (O)oo at ang mga bagay na walang halaga (P)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:

29 Upang walang (Q)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.

30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (R)karunungang mula sa Dios, at (S)katuwiran at (T)kabanalan, (U)at katubusan:

31 Na, ayon sa nasusulat, (V)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978