Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 (B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
3 Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 (J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 (M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Panalangin sa pagliligtas.
43 Hatulan mo ako, (A)Oh Dios, at (B)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
2 Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (C)itinakuwil?
(D)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
3 (E)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (F)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
4 Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
5 (G)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Ang kadayaan at kalupitan ng kaniyang mga kaibigan.
14 (A)Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan;
Kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis,
Na parang daan ng mga batis na nababago;
16 Na malabo dahil sa hielo,
At siyang kinatunawan ng nieve:
17 Paginit ay nawawala:
Pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw;
Nagsisilihis sa ilang at nawawala.
19 Minasdan ng mga pulutong (B)na mula sa Tema,
Hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa (C)Seba.
20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa;
Sila'y nagsiparoon at nangatulig.
21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala;
Kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako?
O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pagaari?
23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway?
O, Tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa;
At ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran!
Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita?
Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila,
At ginawa ninyong (D)kalakal ang inyong kaibigan.
28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako;
Sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
29 (E)Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan;
Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
30 May di ganap ba sa aking dila?
Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
15 Mga kapatid, nagsasalita ako (A)ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang (B)pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
16 Ngayon (C)kay Abraham nga (D)sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, (E)At sa iyong binhi, na si Cristo.
17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan (F)ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't (G)upang pawalang kabuluhan ang pangako
18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? (H)Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, (I)hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y (J)iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay (K)ng isang tagapamagitan.
20 Ngayon (L)ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.
21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.
22 (M)Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang (N)lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978