Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Kawikaan 8:1-4

Ang tawag ng karunungan.

Hindi ba umiiyak (A)ang karunungan,
At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?
Sa (B)taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan,
Sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo;
Sa tabi ng mga (C)pintuang-bayan sa pasukan ng bayan,
Sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag;
At ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.

Mga Kawikaan 8:22-31

Ang kaluwalhatian ng karunungan. Ang pagkamapalad ng marunong na lalake.

22 Inari ako (A)ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad,
Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 (B)Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula,
Bago nalikha ang lupa.
24 (C)Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman;
Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 (D)Bago ang mga bundok ay nalagay,
Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man,
Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas:
Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 (E)Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan,
Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos:
Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 (F)Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa:
At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw,
Na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa;
At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.

Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Roma 5:1-5

Yaman nga na (A)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (B)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (C)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (D)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (E)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (F)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (G)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (H)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Juan 16:12-15

12 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, (A)nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.

13 Gayon ma'y kung siya, ang (B)Espiritu ng katotohanan ay dumating, (C)ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

14 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.

15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama (D)ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978