Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

2 Cronica 5:2-14

(A)Nang magkagayo'y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel, at ang lahat na pangulo ng mga lipi, ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.

At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan, na sa ikapitong buwan.

At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon; at (B)pinasan ng mga Levita ang kaban;

At kanilang iniahon ang kaban, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda; ang mga ito'y iniahon ng mga saserdote na mga (C)Levita.

At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel, na nangakipagpulong sa kaniya, ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka, na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.

At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa makatuwid baga'y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.

Sapagka't ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban, at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.

At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita (D)mula sa kaban sa harap ng sanggunian: nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.

10 Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto.

11 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako (sapagka't ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal, at hindi sinunod ang kanilang (E)pagkakahalihalili;

12 Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, (F)silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na (G)may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak:)

13 Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, (H)Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,

14 (I)Na anopa't ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios.

Mga Gawa 26:19-29

19 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:

20 Kundi (A)nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa (B)Jerusalem din naman, at (C)sa buong lupain ng Judea, at gayon din (D)sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.

21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.

22 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi (E)ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;

23 Kung paano na ang Cristo ay (F)kailangang maghirap, at kung paano na siya (G)muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay (H)ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.

24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, (I)ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.

25 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.

26 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.

27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.

28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging (J)Cristiano.

29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang (K)sa mga tanikalang ito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978