Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
Mga Awit 4

Panalangin sa Gabi

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng instrumentong may kuwerdas.

Sagutin mo po ang aking pagtawag,
    O Diyos, na aking kalasag!
Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan,
    kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.

Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin?
    Ang walang kabuluhan at kasinungalingan,
    hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)[a]

Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid,
    kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.

Huwag(A) hayaang magkasala ka nang dahil sa galit;
    sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)[b]
Nararapat na handog, inyong ialay,
    pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.

Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”
    Ikaw, O Yahweh, ang totoong mahabagin!
Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,
    higit pa sa pagkain at alak na inumin.

Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,
    pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Mga Gawa 3:1-10

Pinagaling ang Isang Lumpo

Minsan, nagpunta sina Pedro at Juan sa Templo; alas tres ng hapon noon, ang oras ng pananalangin. Sa pintuan ng Templo na tinatawag na Pintuang Maganda ay may isang lalaking lumpo mula pa nang ito'y isilang. Dinadala ito sa Templo araw-araw upang mamalimos sa mga taong pumapasok doon. Nang makita nito sina Pedro at Juan na papasók sa Templo, siya'y humingi ng limos. Tinitigan siya ng dalawa, at sinabi ni Pedro sa kanya, “Tingnan mo kami!” Tumingin nga siya sa kanila sa pag-asang siya'y lilimusan. Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.” Hinawakan niya sa kanang kamay ang lumpo at itinayo. Noon di'y lumakas ang mga paa at bukung-bukong ng lalaki; palukso itong tumayo at nagsimulang lumakad. Pumasok siya sa Templo kasama nila, naglalakad, lumulundag at nagpupuri sa Diyos. Nakita ng lahat na siya'y naglalakad at nagpupuri sa Diyos. 10 Nang makilala nilang siya ang pulubing dati'y nakaupong namamalimos sa Pintuang Maganda ng Templo, namangha sila at nagtaka sa nangyari sa kanya.

Lucas 22:24-30

Ang Pinakadakila

24 Nagtalu-talo(A) rin ang mga alagad kung sino sa kanila ang dapat kilalaning pinakadakila. 25 Kaya't(B) sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinipilit ng mga hari ng mga Hentil na sila'y ituring na panginoon ng kanilang nasasakupan, at ang mga may kapangyarihan ay nagnanasang matawag na mga tagatangkilik. 26 Ngunit(C) hindi ganoon ang dapat mangyari sa inyo. Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod. 27 Sino(D) ba ang higit na nakakataas, ang nakadulog sa hapag, o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakadulog sa hapag? Ngunit ako'y kasama ninyo bilang isang naglilingkod.

28 “Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok sa akin. 29 Kung paanong ang Ama ay nagbigay sa akin ng karapatang maghari, gayundin naman, ibinibigay ko sa inyo ang karapatang ito. 30 Kayo'y(E) kakain at iinom na kasalo ko sa aking kaharian, at kayo'y uupo sa mga trono at mamumuno sa labindalawang lipi ng Israel.”

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.