Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
15 Magsikap kayong mamuhay nang may buong pag-iingat, hindi tulad nghangal kundi tulad ng mga pantas. 16 Samantalahin ninyo ang panahon dahil ang mga araw ay masama. 17 Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu. 19 Mag-usap kayo sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit. Umawit at magpuri kayo sa Panginoon sa inyong puso. 20 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayong lagi sa Diyos at Amasa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
51 Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Ang sinumang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng sanlibutan.
52 Nagtalo-talo nga ang mga Judio. Kanilang sinabi: Papaano niya maibibigay sa atin ang kaniyang laman upang kainin?
53 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay makakain ng laman ng Anak ng tao at makainom ng kaniyang dugo ay wala kayong buhay. 54 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw. 55 Ito ay sapagkat ang aking laman ay totoong pagkain at ang aking dugo ay totoong inumin. 56 Siya na kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin. Ako naman ay sumasa kaniya. 57 Ang Amang buhay ang nagsugo sa akin at ako ay nabubuhay dahil sa Ama. Gayundin ang kumakain sa akin. Siya ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Hindi ito tulad nang ang inyong mga ninuno ay kumain ng mana at ngayon ay mga patay na. Siya na kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.
Copyright © 1998 by Bibles International