Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Paggawa ng Mabuti sa Lahat ng Tao
6 Mga kapatid, kapag natagpuan ang isang tao sa pagsalangsang, kayong mga taong sumusunod sa Espiritu ang magpanumbalik sa kaniya sa espiritu ng kaamuan. Ngunit mag-ingat kayo sa inyong sarili na baka kayo naman ay matukso.
2 Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa’t isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Ito ay sapagkat kapag iniisip ng sinuman na siya ay mahalaga, na hindi naman siya mahalaga, dinadaya niya ang kaniyang sarili. 4 Ngunit suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga gawa. Kung magkagayon, makakapagmapuri siya sa kaniyang sarili lamang at hindi sa iba. 5 Ito ay sapagkat ang bawat isa ay dapat magbata ng bahagi na dapat niyang pasanin.
6 Ang mga tinuturuan sa salita ay dapat magbahagi ng mabubuting bagay sa mga nagtuturo.
7 Huwag ninyong hayaang kayo ay mailigaw. Hindi mo maaaring libakin ang Diyos sapagkat anuman ang inihasik ng isang tao, iyon din ang kaniyang aanihin. 8 Ang naghahasik sa kaniyang laman ay mag-aani ng kabulukang mula sa laman. Ngunit ang naghahasik sa Espiritu ay mag-aani ng buhay ng walang hanggan. 9 Ngunit kung tayo ay gumagawa ng mabuti, hindi tayo dapat na panghinaan ng loob. Ito ay sapagkat tayo ay aani kung hindi tayo manlulupaypay sa pagdating ng takdang panahon. 10 Kaya nga, habang tayo ay may pagkakataon pa, gumawa tayo nang mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.
Copyright © 1998 by Bibles International