Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Mateo 16:5-12

Mag-ingat sa Pampaalsa ng mga Fariseo at Saduseo

Nang ang kaniyang mga alagad ay makarating sa kabilang ibayo, nakalimutan nilang magdala ng tinapay.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Mag-ingat kayo sa mga pampaalsa ng mga Fariseo at mga Saduseo.

Nangatwiran sila sa kanilang sarili patungkol dito na sinasabi: Ito ay sapagkat hindi tayo nakapagdala ng tinapay.

Ngunit nalaman ito ni Jesus at sinabi niya sa kanila: O, kayong maliit ang pananampalataya. Bakit kayo nangatwiranan sa inyong mga sarili na hindi kayo nakapagdala ng tinapay? Hindi pa ba ninyo naunawaan ni naala-ala ang limang tinapay na ipinakain sa limang libo? Ilang bakol ang inyong nakuha? 10 Hindi ba ninyo naala-ala ang pitong tinapay na ipinakain sa apat na libo? Ilang kaing ang inyong nakuha? 11 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang sinabi ko sa inyo. Ang sinabi ko ay dapat kayong mag-ingat sa pampaalsa ng mga Fariseo at mga Saduseo at hindi ang patungkol sa tinapay. 12 Sa ganoon, naunawaan na nila na hindi sila pinag-iingat sa pampaalsa ng tinapay kundi sa aral ng mga Fariseo at mga Saduseo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International