Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 86:1-10

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.

Ezekiel 29:3-7

Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking (A)buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.

At (B)kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.

At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; (C)ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.

At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging (D)tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.

Nang kanilang pigilan (E)ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.

Lucas 11:53-12:3

53 At paglabas niya roon, ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya, at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay;

54 Na siya'y inaabangan, (A)upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman.

12 Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, (B)Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y (C)pagpapaimbabaw nga.

Datapuwa't walang bagay na natatakpan, (D)na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman.

Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978