Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 86:11-17

11 (A)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (B)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (C)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (D)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (E)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (F)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (G)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (H)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Genesis 25:12-18

12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (A)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:

13 (B)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,

14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,

15 At si Hadad, at si (C)Tema, si (D)Jetur, si Naphis, at si Cedema:

16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (E)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.

17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (F)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.

18 (G)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (H)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

Apocalipsis 2:8-11

At (A)sa anghel ng iglesia sa (B)Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (C)na namatay, at muling nabuhay:

Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (D)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (E)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (F)kundi isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (G)magkakaroon kayo ng kapighatiang (H)sangpung araw. (I)Magtapat (J)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (K)ng putong ng buhay.

11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (L)ng ikalawang kamatayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978