Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 126

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Genesis 25:7-11

At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.

Ang kamatayan ni Abraham.

At (A)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (B)nalakip sa kaniyang bayan.

(C)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;

10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (D)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.

11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (E)Beer-lahai-roi.

2 Tesalonica 2:13-3:5

13 Nguni't (A)kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios (B)buhat nang pasimula sa ikaliligtas (C)sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:

14 Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, (D)upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.

15 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan (E)ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging (F)sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.

16 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama (G)na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at (H)mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,

17 (I)Aliwin nawa ang inyong puso, (J)at patibayin kayo sa bawa't mabuting gawa at salita.

Katapustapusan, mga kapatid, ay (K)inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo;

At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; (L)sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.

Nguni't (M)tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y (N)magiingat sa masama.

At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.

At (O)patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa (P)pagtitiis ni Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978