Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Dalangin ni David.
86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 (F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 (G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 (I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
Iniwan ni Jacob ang idolo at pumunta sa Bethel.
35 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa (A)Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo (B)nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.
2 Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa (C)lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, (D)at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:
3 At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa (E)Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, (F)at sumaakin sa daan na aking nilakaran.
4 At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; (G)at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.
17 Datapuwa't nagtindig (A)ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan,
18 At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan.
19 Datapuwa't nang gabi na ay binuksan (B)ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi,
20 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa (C)templo, at sabihin ninyo sa bayan ang (D)lahat ng mga salita ng Buhay na ito.
21 At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at (E)ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon.
22 Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam,
23 Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob.
24 Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at (F)ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon.
25 At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan.
26 Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: (G)sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978