Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 33:1-12

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.

Genesis 15:1-20

Ang pangako ng Dios kay Abram.

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (A)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (B)kalasag, at ang iyong (C)ganting pala na lubhang dakila.

At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (D)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (E)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (F)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (G)ganiyan ang iyong binhi.

(H)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.

At sinabi sa kaniya, (I)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (J)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?

At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.

10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (K)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (L)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.

11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.

12 At nang lulubog na ang araw, ay (M)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.

13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (N)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (O)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.

14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (P)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.

15 (Q)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (R)iyong mga magulang; (S)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (T)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (U)Amorrheo.

17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (V)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (W)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,

20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,

Mateo 9:27-34

27 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, (A)Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.

28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.

29 Nang magkagayo'y (B)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (C)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.

30 At nangadilat ang kanilang mga mata. (D)At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, (E)Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito.

31 Datapuwa't sila'y nagsialis, at (F)kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon.

32 At samantalang sila'y nagsisialis, (G)narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na (H)inaalihan ng demonio.

33 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito.

34 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, (I)sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978