Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Siya'y nakipagtunggali sa anghel.
22 At siya'y bumangon ng gabing yaon, at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa, at ang kaniyang dalawang alilang babae, at ang kaniyang labing isang anak at (A)tumawid sa tawiran ng Jaboc.
23 At sila'y kaniyang isinama at itinawid sa batis, at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik.
24 At naiwang magisa si Jacob: (B)at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway.
25 At nang makita nitong siya'y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya.
26 At sinabi, Bitawan mo ako, sapagka't nagbubukang liwayway na. At kaniyang sinabi, (C)Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan.
27 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob.
28 At sinabi niya, (D)Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel;[a] sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi (E)sa Dios at (F)sa mga tao, at ikaw ay nanaig.
29 At siya'y tinanong ni Jacob, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan. At kaniyang sinabi, (G)Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan? At siya'y binasbasan doon.
30 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; (H)sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay.
31 At sinikatan siya ng araw ng siya'y nagdadaan sa Penuel; at siya'y napipilay sa hita niya.
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
9 Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, (A)na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo,
2 Na mayroon akong malaking kalungkutan (B)at walang tigil na karamdaman sa aking puso.
3 Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man (C)ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak (D)ayon sa laman.
4 Na pawang mga Israelita; (E)na sa kanila ang pagkukupkop, at (F)ang kaluwalhatian, at (G)ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at (H)ang paglilingkod sa Dios, at (I)ang mga kapangakuan;
5 Na sa kanila (J)ang mga magulang, at (K)sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, (L)na siyang lalo sa lahat, Dios na (M)maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.
13 (A)Nang marinig nga ito ni Jesus, ay (B)lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
14 At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at (C)nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.
15 At nang (D)nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.
16 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
17 At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
18 At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
19 At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, (E)at pagtingala sa langit, ay kaniyang (F)pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
20 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang (G)bakol na puno.
21 At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978