Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 65:8-13

Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
(A)Iyong dinadalaw ang lupa, at (B)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(C)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (D)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Genesis 30:37-43

37 At (A)kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, at almendro at kastano; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi, at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga.

38 At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang, sa harap ng kawan, sa mga pinagpapainuman; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom.

39 At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis.

40 At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban.

41 At nangyari, na kailan ma't maglilihi ang mga malakas sa kawan, ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang, upang sila'y papaglihihin sa gitna ng mga sanga.

42 Datapuwa't pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay, kaya't ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob.

Ang kaniyang pagyaman.

43 (B)At ang lalake ay lumagong mainam; at (C)nagkaroon ng malalaking kawan, at ng mga aliping babae at lalake, at ng mga kamelyo at ng mga asno.

Efeso 6:10-18

10 Sa katapustapusa'y (A)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

11 Mangagbihis kayo ng (B)buong kagayakan (C)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

12 Sapagka't (D)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (E)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (F)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (G)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

14 (H)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (I)may sakbat na baluti ng katuwiran,

15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (J)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

18 (K)Na magsipanalangin kayo (L)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (M)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978