Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (A)Iyong dinadalaw ang lupa, at (B)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(C)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (D)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
Pagpapaalam ni Jacob kay Laban.
25 At nangyari, nang maipanganak ni Raquel si Jose, na sinabi ni Jacob kay Laban, Papagpaalamin mo ako upang ako'y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain.
26 Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak, na siyang (A)kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo, at papagpaalamin mo ako: sapagka't talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo.
27 At sinabi sa kaniya ni Laban, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata, matira ka: aking napagkilala, na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28 At kaniyang sinabi, (B)Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan, at ibibigay ko sa iyo.
29 At sinabi niya sa kaniya, (C)Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita, at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin.
30 Sapagka't kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, (D)at naging isang karamihan; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit; at ngayo'y (E)kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay?
31 At sa kaniya'y sinabi, Anong ibibigay ko sa iyo? At sinabi ni Jacob, Huwag mo akong bigyan ng anoman: kung ito'y iyong gawin sa akin, ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan.
32 Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: (F)at siyang magiging aking kaupahan.
33 Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin, pagparito mo, tungkol sa aking kaupahan, na nasa harap mo; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing, at hindi maitim sa mga tupa, na masusumpungan sa akin, ay maibibilang mong nakaw.
34 At sinabi ni Laban, Narito, mangyari nawa ayon sa iyong sabi.
35 At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis, at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis, lahat ng mayroong kaunting puti, at lahat ng maitim sa mga tupa, at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak;
36 At siya'y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban.
13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting (A)kabuhayan ang (B)kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
15 Hindi (C)ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, (D)sa laman, sa diablo.
16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, (E)banayad, madaling panaingan, (F)puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, (G)walang inaayunan, (H)walang pagpapaimbabaw.
18 At ang bunga ng katuwiran (I)ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978