Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Edom.
7 (A)Tungkol sa Edom. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (B)Wala na baga ang karunungan sa Teman? nawala baga ang payo sa mabait? nawala baga ang kanilang karunungan?
8 Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa (C)Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.
9 Kung ang mga mangaani ng ubas ay magsidating (D)sa iyo, hindi baga sila mangagiiwan ng mapupulot na mga ubas? kung mga magnanakaw sa gabi, hindi baga sila magsisigiba ng hanggang magkaroon ng kahustuhan?
10 Nguni't (E)aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin.
11 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, aking iingatan silang buhay: at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao.
17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (A)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (B)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (C)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (D)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila (E)sa (F)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (G)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (H)inyong iwan, (I)tungkol sa (J)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (K)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (L)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis (M)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (N)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (O)mga sangkap na isa't isa sa atin.
26 Kayo'y mangagalit (P)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
27 Ni bigyan daan man ang diablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (Q)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (R)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
29 (S)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (T)biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 At (U)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (V)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (W)pagkatubos.
31 Ang lahat ng kapaitan, (X)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At (Y)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (Z)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
5 Kayo (AA)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa pagibig, (AB)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (AC)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978