Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 28:10-19

Ang panaginip ni Jacob sa Betel.

10 At umalis si Jacob sa (A)Beer-seba at napasa dakong Haran.

11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.

12 (B)At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; (C)at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.

13 (D)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (E)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (F)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

14 (G)At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan (H)at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

15 At, narito't (I)ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, (J)at pababalikin kita sa lupaing ito (K)sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, (L)Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.

17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.

18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, (M)at kaniyang itinayo na pinakaalaala, (N)at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.

19 (O)At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.

Mga Awit 139:1-12

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
(E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
(G)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
(H)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(I)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
Kung aking kunin ang mga (J)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (K)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (L)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo

Mga Awit 139:23-24

23 (A)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At (B)patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Roma 8:12-25

12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman:

13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay (A)pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.

14 Sapagka't ang lahat (B)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.

15 Sapagka't (C)hindi ninyo muling tinanggap (D)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (E)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (F)Abba, Ama.

16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:

17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; (G)mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; (H)kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.

18 Sapagka't napatutunayan ko na (I)ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.

19 Sapagka't (J)ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios.

20 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng (K)kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi (L)dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa

21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (M)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.

22 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon.

23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong (N)mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y (O)tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay (P)ng pagkukupkop, na dili iba't, (Q)ang pagtubos sa ating katawan.

24 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?

25 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.

Mateo 13:24-30

24 Sinaysay niya sa kanila ang ibang (A)talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:

25 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.

26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.

27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?

28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?

29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.

30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

Mateo 13:36-43

36 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa (A)bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang (B)talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid.

37 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao;

38 At (C)ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito (D)ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay (E)ang mga anak ng masama;

39 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: (F)at ang pagaani ay ang (G)katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.

40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.

41 Susuguin (H)ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,

42 At sila'y igagatong sa kalan (I)ng apoy: (J)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa (K)kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978