Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 11:1-18

Nagpaliwanag si Pedro Patungkol sa Kaniyang Gawain

11 Narinig ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na tumanggap din ang mga Gentil ng salita ng Diyos.

Nang umahon si Pedro sa Jerusalem, nakipagtalo sa kaniya ang mga nasa pagtutuli. Sinabi nila: Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli at kumaing kasalo nila.

Ngunit sinimulan ni Pedro ang maayos na pagsasaysay sa kanila ng mga pangyayari. Sinabi niya: Ako ay nasa lungsod ng Jope na nananalangin. Sa aking kalalagayang tulad ng nananaginip, nakakita ako ng isang pangitain. May isang kaga­mitang bumababa na gaya ng malapad na kumot. Ibinababa ito mula sa langit na may nakatali sa apat na sulok at umabot hanggang sa akin. Tinitigan ko iyon at pinagwari. Nakita ko ang mga hayop sa lupa na may tig-apat na paa, ang mga mababangis na hayop, ang mga gumagapang na hayop at ang mga ibon sa himpapawid. Nakarinig din ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin: Tumindig ka, Pedro. Kumatay ka at kumain.

Ngunit sinabi ko: Hindi maaari, Panginoon, sapagkat kailanman ay walang anumang pangkaraniwan o marumi na pumasok sa aking bibig.

Ngunit sumagot muli sa akin ang tinig mula sa langit: Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ipalagay na pangkaraniwan. 10 Ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling binatak ang lahat sa langit.

11 At narito, agad na dumating ang tatlong lalaki sa bahay na tinutuluyan ko. Sila ang mga isinugo sa akin mula sa Cesarea. 12 Sinabi sa akin ng Espiritu na sumama ako sa kanila ng walang pag-aalinlangan. Sumama rin naman sa akin ang anim na mga kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ng lalaking iyon. 13 Isinalaysay niya sa amin kung paano niya nakita ang isang anghel sa kaniyang bahay. Ito ay nakatayo at nagsabi sa kaniya: Magsugo ka sa Jope ng mga lalaki. At ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro. 14 Siya ang magsasaysay sa iyo ng mga salita, sa ikaliligtas mo at ng iyong buong sambahayan.

15 Nang ako ay magsimulang magsalita, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu tulad din naman ng pagbaba niya sa atin noong pasimula. 16 Naalaala ko ang salita ng Panginoon kung paanong sinabi niya: Tunay na si Juan ay nagbawtismo sa tubig. Ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu. 17 Kung binigyan sila ng Diyos ng ganoon ding kaloob na ibinigay sa atin na sumampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino ba ako na makakasalungat sa Diyos?

18 Nang marinig nila ang mga bagay na ito, tumahimik sila. Pinuri nila ang Diyos na sinasabi: Kung gayon ay binigyandin naman ng Diyos ang mga Gentil ng pagsisisi patungo sa buhay.

Pahayag 21:1-6

Ang Bagong Jerusalem

21 At nakita ko ang isang bagong langit at ang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na. Ang dagat ay wala na.

At akong si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem na buma­babang mula sa Diyos na buhat sa langit. Ito ay inihanda na katulad ng isang babaeng ikakasal na ginayakan para sa kaniyang magiging asawa. Narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa langit. Sinabi nito: Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya ay mananahang kasama nila. Sila ay magiging mga tao niya. Ang kanilang Diyos mismo ang sumakanila at siya ang kanilang magiging Diyos. Pupunasin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang kamatayan, ang pagtangis, ang pag-iyak o ang kabalisahan. Ang mga bagay sa nakaraan ay lumipas na.

Ang nakaupo sa trono ay nagsabi: Tingnan ninyo, ginawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Isulat mo ito sapagkat ang mga salitang ito ay totoo at tapat.

At sinabi niya sa akin: Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ibibigay ko ang tubig ng buhay na walang bayad sa sinumang nauuhaw.

Juan 13:31-35

Ipinagpauna ni Jesus na Ipagkakaila Siya ni Pedro

31 Kaya nga, pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya.

32 Yamang ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang sarili. At siya ay agad niyang luluwalhatiin.

33 Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang. Hahanapin ninyo ako. Sinabi ko sa mga Judio: Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan. Ganito rin ang sinasabi ko sa inyo.

34 Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. 35 Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa’t isa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International