Old/New Testament
Ang unang pagsasalita ni Job. Sinumpa ang kaniyang kaarawan.
3 Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
2 At si Job ay sumagot, at nagsabi,
3 (A)Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin,
At ang gabi na nagsabi, May lalaking ipinaglihi.
4 Magdilim nawa ang kaarawang yaon;
Huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas,
Ni silangan man ng liwanag.
5 Ang (B)dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon;
Pag-ulapan nawa yaon;
Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
6 Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman:
Huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon;
Huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
7 Narito, mapagisa ang gabing yaon;
Huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
8 Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw,
Ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
9 Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon:
Maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon:
Ni huwag mamalas ang mga (C)bukang liwayway ng umaga:
10 Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina,
O ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
11 Bakit hindi pa ako (D)namatay mula sa bahay-bata?
Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
12 (E)Bakit tinanggap ako ng mga tuhod?
O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
13 Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik;
Ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
14 Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa,
Na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
15 O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto,
Na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
16 (F)O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay;
Gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
17 Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag;
At doo'y nagpapahinga ang pagod.
18 Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama;
Hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
19 Ang mababa at ang mataas ay nangaroon;
At ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
20 Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan,
At ng buhay ang kaluluwang nasa (G)kahirapan;
21 Na naghihintay (H)ng kamatayan, nguni't hindi dumarating;
At hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
22 Na nagagalak ng di kawasa,
At nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?
23 Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad,
At ang (I)kinulong ng Dios?
24 Sapagka't nagbubuntong hininga ako (J)bago ako kumain,
At ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.
25 Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin,
At ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
26 Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga;
Kundi kabagabagan ang dumarating.
Ang unang pagsasalita ni Eliphaz. Kaniyang pinatunayan ang katarungan ng Dios.
4 Nang magkagayo'y sumagot si (K)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba?
Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
3 Narito, ikaw ay nagturo sa marami,
At iyong pinalakas (L)ang mahinang mga kamay.
4 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal,
At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
5 Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay;
Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
6 Hindi ba ang (M)iyong takot sa Dios ay (N)ang iyong tiwala,
At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
7 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay?
O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
8 Ayon sa aking pagkakita (O)yaong nagsisipagararo ng kasamaan,
At nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
9 Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay,
At (P)sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
10 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon,
At (Q)ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
11 Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli,
At ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.
Ang pagkawalang kabuluhan ng tao sa harapan ng Dios.
12 Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay,
At ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
13 (R)Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
14 Takot ay dumating sa akin, at panginginig,
Na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
15 Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha.
Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
16 Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon;
Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata:
Tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
17 (S)Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios?
Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
18 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod;
At inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
19 Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga (T)bahay na putik,
Na ang patibayan ay nasa (U)alabok,
Na napipisang gaya ng (V)paroparo!
20 Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba;
Nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
21 (W)Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila?
Sila'y nangamamatay at walang karunungan.
44 Sumaating mga magulang sa ilang (A)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (B)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni (C)Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (D)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
48 (E)Bagama't ang Kataastaasa'y (F)hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
49 Ang langit ay ang aking luklukan,
(G)At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa:
Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon:
O anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
51 (H)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
52 Alin sa mga propeta ang (I)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (J)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (K)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
55 Datapuwa't siya, (L)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (M)sa kanan ng Dios,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
58 At siya'y kanilang itinapon (N)sa labas ng bayan, (O)at binato: at inilagay (P)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (Q)tanggapin mo ang aking espiritu.
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (R)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978