Old/New Testament
Si Joram ay naghari.
21 At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
2 At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Josaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Michael, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel.
3 At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga (A)bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay.
4 Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel.
5 (B)Si Joram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.
6 At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; (C)sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.
7 Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.
Ang Edom ay naghimagsik.
8 Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili.
9 Nang magkagayo'y nagdaan si Joram (D)na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo.
10 Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
Ang nakatatakot na sulat ni Elias.
11 Bukod dito'y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda.
12 At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga (E)lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga (F)lakad man ni Asa na hari sa Juda:
13 Kundi ikaw ay lumakad (G)ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, (H)gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang (I)iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:
14 Narito, ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pagaari:
15 At ikaw ay magkakasakit ng mabigat, na sakit ng iyong tiyan, hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw.
16 At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga (J)Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga (K)taga Etiopia:
17 At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pagaari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si (L)Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak.
Ang pagkatalo at kamatayan ni Joram.
18 At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit.
19 At nangyari, sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon, na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit, at siya'y namatay sa mabigat na sakit. At (M)hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan, na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang.
20 (N)may tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, (O)nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari.
Naghari si Ochozias.
22 At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na (P)kaniyang bunsong anak na kahalili niya: sapagka't pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama (Q)ng mga taga Arabia. Sa gayo'y si (R)Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari.
2 (S)May apat na pu't dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay (T)Athalia na anak ni Omri.
3 Siya rin naman ay lumakad ng mga lakad ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang kaniyang ina ay siyang kaniyang taga-payo upang gumawang may kasamaan.
4 At siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama, sa ikapapahamak niya.
5 Siya'y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo, at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram.
6 At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si (U)Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit.
Si Ochozias ay pinatay ni Jehu.
7 Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, (V)siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, (W)na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.
8 At nangyari, nang si Jehu ay (X)maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab, na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias, na nagsisipangasiwa kay Ochozias, at pinatay sila.
9 (Y)At kaniyang hinanap si Ochozias, at hinuli nila siya, (siya nga'y nagtatago sa Samaria,) at dinala nila siya kay Jehu, at pinatay siya; at (Z)inilibing nila siya, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y anak ni Josaphat, na (AA)humanap sa Panginoon ng buo niyang puso. At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian.
Ang pagagaw ni Athalia sa kaharian.
10 (AB)Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda.
11 Nguni't kinuha ni (AC)Josabeth, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ochozias, at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan. Gayon ikinubli ni Josabeth, na anak ng haring Joram, na asawa ni Joiada na saserdote, (sapagka't siya'y kapatid ni Ochozias) kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.
12 At siya'y nakakubling kasama nila sa bahay ng Dios na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.
14 Huwag magulumihanan ang inyong puso: (A)magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, (B)ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
4 At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.
5 (C)Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, (D)hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako (E)ang daan, at (F)ang katotohanan, at (G)ang buhay: (H)sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
8 Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? (I)ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
10 Hindi ka baga nananampalataya na (J)ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y (K)hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: (L)o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
13 (M)At ang anomang inyong hingin (N)sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
14 Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
15 Kung ako'y inyong iniibig, (O)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (P)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (Q)ng katotohanan: (R)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
18 Hindi ko kayo iiwang (S)magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (T)inyong makikita ako: (U)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 (V)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22 Si (W)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (X)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26 Datapuwa't (Y)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (Z)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (AA)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 (AB)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (AC)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (AD)ako'y pasasa Ama: sapagka't (AE)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (AF)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (AG)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978