Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 11-13

Ang unang pagsasalita ni Sophar. Binibintangan niya si Job ng pagmamataas at kawalang kabanalan.

11 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Sophar na Naamathita, at nagsabi,

Hindi ba sasagutin ang (B)karamihan ng mga salita?
At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog.
At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
Sapagka't (C)iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay,
At ako'y malinis sa iyong mga mata.
Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita,
At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan,
Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa.
Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
(D)Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?
Masusumpungan mo ba sa (E)kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa?
Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa.
At maluwang kay sa dagat.
10 Kung siya'y dumaan (F)at magsara,
At tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang (G)tao:
Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12 Nguni't (H)ang walang kabuluhang tao ay walang unawa,
Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.

Pinapaglilinis ni Sophar si Job sa mga kasalanan.

13 Kung iyong ihahanda ang iyong puso,
At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo,
At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 (I)Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan;
Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan;
(J)Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa;
Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 (K)Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw (L)sa iyo.
20 Nguni't ang mga (M)mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.

Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.

12 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,

Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan,
At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo:
Hindi ako huli sa inyo:
Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
(N)Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa,
Ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya:
Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi;
Nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
Ang mga tolda ng mga tulisan ay (O)gumiginhawa,
At silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay;
Na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na (P)ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 (Q)Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 (R)Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12 Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
(S)Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15 Narito, (T)kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang (U)binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17 Kaniyang (V)pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19 Kaniyang pinalalakad na (W)hubad sa bait ang mga saserdote.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At (X)inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 (Y)Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 (Z)Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At (AA)kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag,
At kaniyang (AB)pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.

Pinararatangan ni Job ang kaniyang mga kaibigan ng maling pagtatanggol sa Dios.

13 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata,
Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako huli sa inyo.
Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
Nguni't kayo'y (AC)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(AD)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(AE)At magiging inyong karunungan.
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Kayo ba'y mangagsasalita ng (AF)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
(AG)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(AH)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (AI)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (AJ)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (AK)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (AL)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 (AM)Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin,
Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(AN)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (AO)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (AP)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (AQ)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (AR)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
Na parang damit na kinain ng tanga.

Mga Gawa 9:1-21

Datapuwa't (A)si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,

At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman (B)sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.

(C)At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

At siya'y nasubasob sa lupa, at (D)nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:

Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.

At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.

At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.

At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.

10 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na (E)nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.

11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking (F)taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;

12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.

13 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, (G)kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga (H)banal sa Jerusalem:

14 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.

15 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng (I)mga Gentil at (J)ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:

16 Sapagka't sa kaniya'y (K)aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.

17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, (L)at mapuspos ka ng Espiritu Santo.

18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at (M)siya'y binautismuhan;

19 At siya'y kumain at lumakas. (N)At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.

20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.

21 At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, (O)Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay (P)naparito siya, upang sila'y (Q)dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978