Add parallel Print Page Options

14 Sumpain (A)ang araw na kinapanganakan sa akin: huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina.

15 Sumpain ang tao na nagdala ng balita sa aking ama, na nagsabi, Isang lalake ay ipinanganak sa iyo, na pinasaya siyang mainam.

16 At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang (B)giniba ng Panginoon, at hindi pinagsisihan: at (C)makarinig nawa siya ng daing sa umaga, at hiyawan sa katanghaliang tapat;

17 Sapagka't (D)hindi niya pinatay ako sa bahay-bata; at sa gayo'y naging libingan ko sana ang aking ina, at ang kaniyang bahay-bata, ay naging laging dakila sana.

18 Bakit nga ako'y (E)nalabas sa bahay-bata upang makakita ng hirap at kapanglawan, upang ang aking mga araw ay manaw na may kahihiyan?

Read full chapter