Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 22-24

Ang habilin ni David kay Salomon.

22 Nang magkagayo'y sinabi ni David, (A)Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel.

At iniutos ni David na pisanin ang mga (B)taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios.

At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang;

At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga (C)Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.

At sinabi ni David, (D)Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.

Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, (E)na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios.

Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, (F)Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana, at (G)gumawa ng malaking pagdidigma: huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin:

Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking (H)mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:

10 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at (I)siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.

11 Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo.

12 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios.

13 (J)Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: (K)ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man.

14 Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng (L)isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.

15 Bukod dito'y may kasama kang mga manggagawa na sagana, mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy, at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain;

16 Sa ginto, sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, walang bilang. Ikaw ay bumangon at iyong gawin, at ang Panginoon ay sumaiyo.

17 Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,

18 Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako? sapagka't kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang bayan.

19 Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y bumangon nga, (M)at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon, at ang mga banal na kasangkapan ng Dios, sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon.

Itinatag ni David ang katungkulan ng mga Levita.

23 Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: (N)at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.

At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.

At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon (O)na patanda: at ang kanilang bilang, (P)ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay (Q)tatlongpu't walong libo.

Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga (R)pinuno at mga hukom:

At apat na libo ay tagatanodpinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.

At (S)hinati sila ni David sa (T)mga hanay ayon sa mga (U)anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.

(V)Sa mga Gersonita: si (W)Ladan, at si Simi.

Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.

Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.

10 At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.

11 At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.

12 Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.

13 Ang mga anak ni (X)Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay (Y)nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang (Z)bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.

14 Nguni't tungkol kay Moises na (AA)lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak (AB)ay ibinilang na lipi ni Levi.

15 (AC)Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.

16 Ang mga anak ni Gerson: si (AD)Sebuel na pinuno.

17 At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.

18 Ang mga anak ni Ishar: si (AE)Selomith na pinuno.

19 Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.

20 Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.

21 (AF)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.

22 At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.

23 Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.

24 Ang mga ito ang mga anak ni (AG)Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga (AH)nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, (AI)mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

25 Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:

26 At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin (AJ)ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.

27 Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.

28 Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;

29 Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;

30 At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;

31 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga (AK)takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:

32 At sila ang magsisipagingat ng (AL)katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at (AM)ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.

Ang pagkakabahagi ng mga anak ni Aaron.

24 At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. (AN)Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

Nguni't si (AO)Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.

At si David na kasama ni (AP)Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.

At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo (AQ)sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.

Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng (AR)sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.

At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.

Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;

Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;

Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;

10 Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;

11 Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;

12 Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;

13 Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;

14 Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;

15 Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;

16 Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;

17 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;

18 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.

19 Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, (AS)upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Ang iba pang mga anak ni Levi.

20 At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.

21 Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.

22 Sa mga Isharita, si (AT)Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.

23 At sa mga anak ni (AU)Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.

24 Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni (AV)Micha, si Samir.

25 Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.

26 (AW)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.

27 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.

28 Kay Mahali: si Eleazar, (AX)na hindi nagkaanak.

29 Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.

30 At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

31 Ang mga ito nama'y (AY)nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

Juan 8:28-59

28 Sinabi nga ni Jesus, (A)Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at (B)wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, (C)ayon sa itinuro sa akin ng Ama.

29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; (D)hindi niya ako binayaang nagiisa; (E)sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.

30 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay (F)maraming nagsisampalataya sa kaniya.

31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;

32 At inyong makikilala (G)ang katotohanan, at (H)ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, (I)Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?

34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (J)Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: (K)ang anak ang nananahan magpakailan man.

36 (L)Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.

37 Talastas ko na kayo'y (M)binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.

38 Sinasalita ko (N)ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa (O)inyong Ama.

39 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (P)Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.

40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, (Q)Hindi kami inianak sa pakikiapid; (R)may isang Ama kami, ang Dios.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: (S)sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.

44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang (T)mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka (U)nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

45 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.

46 (V)Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?

47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.

48 Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya'y sinabi, Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at (W)mayroon kang demonio?

49 Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri.

50 Nguni't (X)hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol.

51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (Y)Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.

52 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.

53 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili?

54 Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: (Z)ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios;

55 At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.

56 (AA)Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.

57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?

58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, (AB)ay ako nga.

59 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato (AC)upang ihagis sa kaniya: datapuwa't (AD)nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978