Old/New Testament
Si Roboam ay sumunod sa masamang payo.
10 At si Roboam ay (A)naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.
2 At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto, (B)na siya niyang tinakasan mula sa harap ng haring Salomon,) na si Jeroboam ay bumalik mula sa Egipto.
3 At sila'y nangagsugo at ipinatawag nila siya; at si Jeroboam at ang buong Israel ay nagsiparoon, at sila'y nagsipagsalita kay Roboam, na nagsisipagsabi,
4 Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay magsisipaglingkod sa iyo.
5 At sinabi niya sa kanila, Magsiparito uli kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw. At ang bayan ay yumaon.
6 At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang siya'y nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin upang magbalik ng sagot sa bayang ito?
7 At sila'y nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Kung ikaw ay magmagandang loob sa bayang ito, at iyong pagbigyang loob sila, at magsalita ng mga mabuting salita sa kanila, iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.
8 Nguni't iniwan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya.
9 At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na sinasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?
10 At ang mga binata na nagsilaki na kasabay niya, ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsalita sa iyo, na sinasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasabihin sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.
11 At sa paraan ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
Nanghimagsik ang Israel sa pamamatnugot ni Jeroboam.
12 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.
13 At ang hari ay sumagot sa kanila na may katigasan, at iniwan ng haring Roboam ang payo ng mga matanda.
14 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na sinasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni`t aking dadagdagan pa: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
15 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan: sapagka't buhat sa Dios, upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita (C)sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.
16 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, sumagot ang bayan sa hari, na sinasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? wala man kaming mana sa anak ni Isai: bawa't tao sa inyo-inyong tolda, Oh Israel: ngayo'y ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang buong Israel sa kanikanilang tolda.
17 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, pinagharian sila ni Roboam.
18 Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si (D)Adoram, na nasa buwisan; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel, na anopa't siya'y namatay. At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.
19 Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito.
Ang pagtutol ay ipinagbawal.
11 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.
2 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi,
3 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa (E)buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin,
4 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.
5 At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.
6 Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,
7 At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,
8 At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph,
9 At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha,
10 At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan.
11 At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.
12 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.
Ang mga Levita ay nagsiparoon sa Juda.
13 At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.
14 Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga (F)nayon at ang kanilang pagaari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas (G)sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;
15 (H)At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at (I)sa mga kambing na lalake, at sa mga (J)guya na kaniyang ginawa.
16 (K)At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
17 (L)Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon.
Ang sangbahayan ni Roboam.
18 At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni (M)Eliab, na anak ni Isai;
19 At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham.
20 At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya (N)kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.
21 At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.)
22 At inihalal ni Roboam si (O)Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.
23 At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa.
Ang pagsalakay ni Sisac.
12 At nangyari, nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya'y malakas, na (P)kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon, at ang buong Israel ay kasama niya.
2 (Q)At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,
3 Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga (R)Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia.
4 At sinupok niya ang mga (S)bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem.
5 (T)Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac.
6 Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid.
7 At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.
8 Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala (U)ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.
Ang templo ay iginiba.
9 (V)Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na (W)ginawa ni Salomon.
10 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari.
11 At nangyari, na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon, at ibinabalik sa silid ng bantay.
12 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay.
13 Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na (X)bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
14 At siya'y gumawa ng masama, sapagka't hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon.
Ang kamatayan ni Roboam.
15 (Y)Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni (Z)Semeias na propeta at ni (AA)Iddo na tagakita, ayon sa (AB)ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam.
16 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: (AC)at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
30 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)
31 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.
32 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
33 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,
34 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.
35 Tumangis si Jesus.
36 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!
37 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na (A)nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?
38 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at (B)mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.
39 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.
40 Sinabi sa kaniya ni Jesus, (C)Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo (D)ang kaluwalhatian ng Dios?
41 Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.
42 At nalalaman ko na ako'y lagi mong (E)dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
43 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.
44 Siya na patay ay lumabas, (F)na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.
45 Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria (G)at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya.
46 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa (H)mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.
47 Ang mga pangulong saserdote nga (I)at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.
48 Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.
49 Nguni't ang isa sa kanila na (J)si Caifas, na dakilang saserdote nang taong (K)yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman.
50 Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.
51 Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;
52 At (L)hindi dahil sa bansa lamang, (M)kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.
53 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.
54 Si Jesus ay hindi (N)na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.
55 Ang paskua nga ng mga Judio (O)ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, (P)upang magsipaglinis.
56 Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?
57 Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978