Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 16-18

Naghandog ng mga handog na susunugin.

16 At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios.

At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon.

At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas.

At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang (A)magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at magagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:

(B)Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas;

At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.

Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang (C)magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.

Ang awit ng pagpapasalamat.

(D)Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan;
(E)Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya;
Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.
10 Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon.
11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas;
Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi.
12 Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa;
Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
13 Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod,
Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.
14 Siya ang Panginoon nating Dios;
(F)Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan.
15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi;
16 (G)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac:
17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan,
Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:
18 Na sinasabi, (H)Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran ng inyong mana:
19 Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang;
Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
20 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa,
At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
21 Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan;
Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
22 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis,
At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.
23 (I)Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa,
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
24 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa,
Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.
25 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam:
Siya rin nama'y marapat na katakutan (J)ng higit sa lahat na dios.
26 Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan:
Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit.
27 Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya:
Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan.
28 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.
29 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (K)ganda ng kabanalan.
30 Manginig sa harap niya ang buong lupa:
Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos.
31 Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa;
At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari.
32 (L)Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon;
Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon;
33 Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon,
Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa.
34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
35 (M)At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa,
Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan,
At magtagumpay sa iyong kapurihan.
36 (N)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sinabi ng (O)buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.

Tagapangasiwa sa harap ng kaban.

37 Sa gayo'y iniwan niya roon (P)sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban, gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw:

38 At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid, ay anim na pu't walo; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto:

39 At si Sadoc na saserdote, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa (Q)Gabaon,

40 Upang maghandog na (R)palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng (S)dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon, ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel;

41 At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, (T)sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man;

42 At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan.

43 (U)At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa't tao sa kanikaniyang bahay: at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan.

Ang sabi ng Panginoon kay David.

17 At nangyari, (V)nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay, na sinabi ni David kay Nathan na propeta, Narito, ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong.

At sinabi ni Nathan kay David, Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.

At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi,

Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan:

Sapagka't hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel, hanggang sa araw na ito; kundi ako'y yumaon sa tolda at tolda, at sa tabernakulo, at tabernakulo.

Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga (W)hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro?

Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel:

At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa.

At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel, at itatatag sila, upang sila'y mangakatahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una,

10 At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway. Bukod dito'y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay.

11 At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian.

12 Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man.

13 (X)Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo:

14 Kundi siya'y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.

15 Ayon sa lahat na salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito, ay gayon sinalita ni Nathan kay David.

Ang panalangin ni David na sagot sa Panginoon.

16 Nang magkagayo'y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon; at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking bahay na ako'y dinala mo sa ganyang kalayo?

17 At ito'y munting bagay sa harap ng iyong mga mata, Oh Dios; nguni't iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating, at ako'y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan, Oh Panginoong Dios.

18 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo, tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod.

19 Oh Panginoon, (Y)dahil sa iyong lingkod, at ayon sa iyong sariling puso, ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito.

20 Oh Panginoon, walang gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig.

21 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel, na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan, upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay, sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan, na iyong tinubos sa Egipto?

22 Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.

23 At ngayon, Oh Panginoon, matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man, at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita.

24 At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa, at dakilain magpakailan man, na sabihin, Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel, sa makatuwid baga'y Dios sa Israel: at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo.

25 Sapagka't ikaw, Oh aking Dios, napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay: kaya't pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo.

26 At ngayon, Oh Panginoon, ikaw ang Dios, at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod:

27 At ngayo'y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't iyong pinagpala, Oh Panginoon, at yao'y magiging mapalad magpakailan man.

Kaniyang sinakop ang Filisteo, ang Moab, at ang Edom.

18 At pagkatapos nito'y nangyari (Z)na sinaktan ni David ang mga Filisteo, at pinasuko sila, at sinakop ang (AA)Gath, at ang mga nayon niyaon sa kamay ng mga Filisteo.

At sinaktan niya ang Moab; at ang mga Moabita ay naging alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob.

At sinaktan ni David sa Hamath si (AB)Adarezer na hari sa Soba samantalang kaniyang itinatatag ang kaniyang kapangyarihan sa tabi ng ilog Eufrates.

At kumuha si David sa kaniya ng isang libong karo, at pitong libong mangangabayo, at dalawangpung libong naglalakad: (AC)at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't nagtira sa mga yaon ng sa isang daang karo.

At nang ang mga taga Siria sa Damasco ay magsiparoon upang magsisaklolo kay Adarezer na hari sa Soba, sumakit si David sa mga taga Siria ng dalawangpu't dalawang libong lalake.

Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria ng Damasco; at ang mga taga Siria ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At binigyan ng Panginoon ng pagtatagumpay si David saan man siya naparoon.

At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto, na nangasa mga lingkod ni Adarezer, at pinagdadala sa Jerusalem.

At mula sa Thibath at mula sa Chun, na mga bayan ni Adarezer; ay kumuha si David ng totoong maraming tanso, na siyang ginawa ni (AD)Salomon na dagatdagatan na tanso, at mga haligi, at mga kasangkapang tanso.

At nang mabalitaan ni (AE)Tou na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Adarezer na hari sa Soba,

10 Kaniyang sinugo si (AF)Adoram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at purihin siya, sapagka't siya'y lumaban kay Adarezer at sinaktan niya siya (sapagka't si Adarezer ay may mga pakikipagdigma kay Tou); at siya'y nagdala ng lahat na sarisaring kasangkapang ginto, at pilak, at tanso.

11 Ang mga ito naman ay itinalaga ng haring David sa Panginoon, pati ng pilak at ginto na kaniyang kinuha sa lahat na bansa; na mula sa Edom, at mula sa Moab, at mula sa mga anak ni Ammon, at mula sa mga Filisteo, at mula sa Amalec.

12 Bukod dito'y si (AG)Abisai na anak ni Sarvia ay sumakit sa mga Idumeo sa Libis ng Asin, ng labingwalong libo.

13 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; at lahat ng mga Idumeo ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng pagtatagumpay ng Panginoon si David saan man siya naparoon.

14 At si David ay naghari sa buong Israel; at siya'y gumawa ng kahatulan at ng katuwiran sa buong bayan niya.

15 At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa pamamahala sa hukbo; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni.

16 At si Sadoc na anak ni Achitob, at si (AH)Abimelec na anak ni Abiathar, ay mga saserdote; at si Sausa ay kalihim;

17 At si Benaias na anak ni Joiada ay nasa pamamahala sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pinuno sa siping ng hari.

Juan 7:28-53

28 Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; (A)at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin (B)ay tunay, (C)na hindi ninyo nakikilala.

29 Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin.

30 (D)Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: (E)at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi (F)pa dumarating ang kaniyang oras.

31 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?

32 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo (G)ng mga punong kawal upang siya'y hulihin.

33 Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin.

34 Hahanapin ninyo ako, (H)at hindi ako masusumpungan: at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon.

35 Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa (I)nagsisipangalat sa gitna ng mga (J)Griego, at magtuturo sa mga Griego?

36 Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon?

37 Nang huling araw nga, na (K)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (L)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.

38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, (M)ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

39 Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa (N)Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: (O)sapagka't hindi pa (P) ipinagkakaloob ang Espiritu; (Q)sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.

40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito (R)ang propeta.

41 Sinasabi ng mga iba, (S)Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, (T)Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?

42 Hindi baga sinabi ng kasulatan (U)na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa (V)Bet-lehem, ang nayong (W)kinaroonan ni David?

43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya.

44 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya.

45 Nagsidating nga ang (X)mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala?

46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.

47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?

48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo?

49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.

50 Sinabi sa kanila ni (Y)Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),

51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, (Z)malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?

52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.

53 Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay:

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978