Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Mga Hari 13-14

Si Joachaz ay naghari sa Israel.

13 Nang ikadalawangpu't tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda, nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria, at nagharing labing pitong taon.

At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, (A)na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon.

(B)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni (C)Hazael na hari sa Siria, at sa kamay ni (D)Ben-adad na anak ni Hazael.

At si Joachaz ay (E)dumalangin sa Panginoon, at dininig siya ng Panginoon: (F)sapagka't nakita niya ang kapighatian ng Israel, kung paanong inapi sila ng hari sa Siria.

(At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas, na anopa't sila'y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria: at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga (G)tolda, gaya ng dati.

Gayon ma'y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam, na ipinapagkasala sa Israel, kundi nilakaran nila: at nalabi (H)ang Asera naman na Samaria).

Sapagka't hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo, at sangpung karo, at sangpung libong taong lakad; sapagka't nilipol sila ng hari sa Siria, at ginawa silang parang (I)alabok sa giikan.

Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria: at si (J)Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Si Joas na anak ni Joachaz ay naghari sa Israel.

10 Nang ikatatlongpu't pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si (K)Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon.

11 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran.

12 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang (L)lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang (M)ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

13 At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel.

Ang kahulihulihang sakit at tanda ni Eliseo.

14 Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay: at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, (N)Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon!

15 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Kumuha ka ng busog at mga pana: at siya'y kumuha ng busog at mga pana.

16 At sinabi niya sa hari sa Israel, Ilagay mo ang iyong kamay sa busog: at inilagay niya ang kaniyang kamay roon. At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari.

17 At kaniyang sinabi, Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan: at binuksan niya. Nang magkagayo'y sinabi ni Eliseo, Magpahilagpos ka: at siya'y nagpahilagpos. At kaniyang sinabi, Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria: sapagka't iyong sasaktan ang mga taga Siria sa (O)Aphec, hanggang sa iyong mangalipol.

18 At kaniyang sinabi, Tangnan mo ang mga pana: at tinangnan niya ang mga yaon. At sinabi niya sa hari sa Israel, Humampas ka sa lupa: at siya'y humampas na makaitlo, at tumigil.

19 At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya, at nagsabi, Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim; sinaktan mo nga sana ang Siria (P)hanggang sa iyong nalipol: kaya't ngayo'y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang.

20 At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga (Q)Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon.

21 At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.

22 (R)At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz.

23 Nguni't ang Panginoo'y naawa sa kanila at nahabag sa kanila, at kaniyang pinakundanganan sila, dahil sa kaniyang tipan kay (S)Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon.

24 At si Hazael na hari sa Siria ay namatay; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

25 At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma. (T)Makaitlong sinaktan siya ni Joas, at binawi ang mga bayan ng Israel.

Si Amasias ay naghari sa Juda.

14 Nang (U)ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si (V)Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari.

Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem.

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama.

(W)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.

At nangyari, pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na (X)nagsipatay sa hari na kaniyang ama.

Nguni't ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, (Y)Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama; kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

(Z)Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo (AA)sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito.

(AB)Nang magkagayo'y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na sinasabi, Halika, tayo'y magtitigan,

At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, (AC)Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa (AD)sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.

10 Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng (AE)iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?

Ang pakikidigma ni Amasias sa Israel—pinatay ng mga manghihimagsik.

11 Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa (AF)Beth-semes, na ukol sa Juda.

12 At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at (AG)sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

13 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa (AH)pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa (AI)pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.

14 At kinuha niya ang lahat na ginto (AJ)at pilak, at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria.

15 (AK)Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, at kung paanong siya'y lumaban kay Amasias na hari sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

16 At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

17 (AL)At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel, na labing limang taon.

18 Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

19 At sila'y (AM)nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa (AN)Lachis, at pinatay siya roon.

20 At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo: at siya'y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David.

21 At kinuha ng buong bayan ng Juda si (AO)Azarias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias.

22 Kaniyang itinayo ang (AP)Elath, at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang.

23 Nang ikalabing limang taon ni Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda, si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria, at nagharing apat na pu't isang taon.

24 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, (AQ)na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

25 Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel (AR)mula sa pasukan ng Hamath (AS)hanggang sa dagat ng Araba, ayon sa salita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si (AT)Jonas na anak ni Amittai, na propeta na taga (AU)Gath-hepher.

26 Sapagka't (AV)nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel, na totoong masaklap: (AW)sapagka't walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man, o sinomang tumulong sa Israel.

27 At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit, kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas.

28 Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, kung paanong siya'y nakipagdigma, at kung paanong binawi niya para sa Israel ang (AX)Damasco at ang Hamath, na nangaukol sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?

29 At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, sa makatuwid baga'y ng mga hari sa Israel; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Juan 2

At (A)nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa (B)Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus:

At inanyayahan din naman si Jesus, at ang (C)kaniyang mga alagad, sa kasalan.

At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak.

At sinabi sa kaniya ni (D)Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? (E)ang aking oras ay hindi pa dumarating.

Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin.

Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay (F)alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig.

Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi.

At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap.

At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake,

10 At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon.

11 Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, (G)at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.

12 Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, (H)at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw.

13 At malapit na ang paskua (I)ng mga Judio, at (J)umahon si Jesus sa Jerusalem.

14 At nasumpungan niya sa templo (K)yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo:

15 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang;

16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng (L)aking Ama na bahay-kalakal.

17 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako (M)ng sikap sa iyong bahay.

18 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, (N)Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?

19 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (O)Igiba ninyo ang templong ito, at aking (P)itatayo sa tatlong araw.

20 Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?

21 Datapuwa't sinasalita niya (Q)ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

22 Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng (R)kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa (S)kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus.

23 Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita (T)ng kaniyang mga tandang ginawa.

24 Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao,

25 Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga (U)niya ang isinasaloob ng tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978