Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 1-3

Ang mga anak ni Noe, ni Abraham, at ni Esau.

Si Adam, si Seth, si Enos;

Si Cainan, si Mahalaleel, si Jared;

Si Enoch, si Mathusalem, si Lamech,

Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet.

(A)Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras.

At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma.

At ang mga anak ni Javan: si Elisa, at si Tharsis, si Chithim at si Dodanim.

(B)Ang mga anak ni Cham: si Chus, at si Misraim, si Phuth, at si Canaan.

At ang mga anak ni Chus: si Seba, at si Havila, at si Sabtha, at si Racma, at si Sabtecha. At ang mga anak ni Racma: si Seba, at si Dedan.

10 At naging anak ni Chus si Nimrod: siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa.

11 At naging anak ni Misraim si Ludim, at si Ananim, at si Laabim, at si Nephtuim,

12 At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim.

13 At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth,

14 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo,

15 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo,

16 At ang Arvadeo, at ang Samareo, at ang Hamatheo.

17 (C)Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec.

18 At naging anak ni Arphaxad si Sela, at naging anak ni Sela si Heber.

19 At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y (D)Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.

20 At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera,

21 At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla;

22 At si Hebal, at si Abimael, at si Seba;

23 At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan.

24 (E)Si Sem, si Arphaxad, si Sela;

25 Si Heber, si Peleg, si Reu;

26 Si Serug, si Nachor, si Thare;

27 Si Abram, (na siyang Abraham.)

28 Ang mga anak ni Abraham: (F)si Isaac, at si (G)Ismael.

29 Ito ang kanilang mga lahi: (H)ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,

30 Si Misma, at si Duma, si Maasa; (I)si Hadad, at si Thema,

31 Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael.

32 (J)At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan.

33 At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura.

34 At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel.

35 (K)Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.

36 Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.

37 Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.

Ang mga anak ni Seir.

38 (L)At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan.

39 At ang mga anak ni Lotan: si Hori at si Homam: at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.

40 Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, (M)si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana.

41 Ang mga anak ni Ana: si Dison. At ang mga anak ni Dison: si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran.

42 Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran.

Ang mga nagsipaghari sa Edom.

43 (N)Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

44 At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.

45 At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.

46 At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.

47 At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.

48 At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.

49 At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.

50 At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.

51 At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;

52 Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;

53 Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;

54 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.

Mga anak ni Hesron.

Ito ang mga anak ni Israel: (O)si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon;

Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

(P)Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.

At ipinanganak sa kaniya ni (Q)Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.

Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.

At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.

At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na (R)gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.

At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.

Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at (S)si Ram, at si Chelubai.

10 At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;

11 At naging anak ni Nahason si (T)Salma, at naging anak ni Salma si (U)Booz;

12 At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai;

13 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si (V)Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;

14 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;

15 Si Osem ang ikaanim, si (W)David ang ikapito:

16 At (X)ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.

17 (Y)At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.

18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.

19 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.

20 At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

21 At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.

22 At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.

23 At sinakop ni Gesur at ni Aram (Z)ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.

24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa.

Ang mga anak ni Juda:—ni Jerameel; ni Caleb; at ni David.

25 At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.

26 At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.

27 At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.

28 At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur.

29 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.

30 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.

31 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. (AA)At ang mga anak ni Sesan: si Alai.

32 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.

33 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.

34 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.

35 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.

36 At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad;

37 At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed.

38 At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias;

39 At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa;

40 At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum;

41 At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama.

42 At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.

43 At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema.

44 At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai.

45 At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.

46 At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.

47 At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.

48 Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.

49 Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.

50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay (AB)ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

51 Si Salma na ama ni Beth-lehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.

52 At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.

53 At ang mga angkan ni Chiriathjearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.

54 Ang mga anak ni Salma: ang Beth-lehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.

55 At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito (AC)ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng (AD)sangbahayan ni Rechab.

Mga anak ni Juda (karugtong).

Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (AE)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;

Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;

Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.

Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (AF)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (AG)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.

(AH)At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:

At si Ibaar, at si (AI)Elisama, at si Eliphelet;

At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;

At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;

Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si (AJ)Thamar ay kanilang kapatid na babae.

10 At ang anak ni Solomon ay si (AK)Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;

11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;

12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;

13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;

14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.

15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.

16 At ang mga anak ni Joacim: si (AL)Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.

17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si (AM)Salathiel na kaniyang anak,

18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.

19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:

20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.

21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.

22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.

23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.

24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.

Juan 5:25-47

25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig (A)ng mga patay (B)ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.

26 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, (C)ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:

27 At (D)binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao.

28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,

29 At (E)magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.

30 (F)Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't (G)hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.

31 Kung ako'y (H)nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.

32 (I)Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo.

33 (J)Kayo'y nangagsugo kay Juan, (K)at siya'y nagpatotoo sa katotohanan.

34 Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas.

35 Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.

36 Datapuwa't ang (L)aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't (M)ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama.

37 At (N)ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, (O)ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.

38 (P)At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo.

39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at (Q)ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

40 At ayaw kayong magsilapit sa akin, (R)upang kayo'y magkaroon ng buhay.

41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao.

42 Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.

43 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung (S)iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.

44 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?

45 Huwag ninyong isiping (T)ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa.

46 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; (U)sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat.

47 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay (V)paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978