Add parallel Print Page Options

(A)At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

Read full chapter

At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.

Read full chapter

At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si (A)Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

Read full chapter