Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Levitico 21-22

Tungkol sa mga saserdote.

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, at sabihin mo sa kanila, (A)Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay, sa gitna ng kaniyang bayan,

Maliban sa kamaganak na malapit, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama at sa kaniyang anak na lalake at babae, at sa kaniyang kapatid na lalake,

At sa kaniyang kapatid na dalaga, na malapit sa kaniya, na walang asawa, ay maaring magpakahawa siya.

Yamang puno sa kaniyang bayan, ay huwag siyang magpapakahawa na magpapakarumi.

(B)Huwag nilang kakalbuhin ang kanilang ulo, o gugupitin man ang dulo ng kanilang balbas, o kukudlitan man ang kanilang laman.

Sila'y magpakabanal sa kanilang Dios, (C)at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Dios: sapagka't sila ang naghahandog ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, na tinapay ng kanilang Dios, kaya't sila'y magpapakabanal.

(D)Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, (E)ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios.

Papagbabanalin mo nga siya; sapagka't siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Dios: siya'y magiging banal sa inyo; sapagka't akong Panginoon nagpapaging banal sa inyo (F)ay banal.

(G)At kung ang anak na babae ng isang saserdote ay magpakarumi sa pagpapatutot, ay kaniyang binigyan ng kahihiyan ang kaniyang ama: siya'y susunugin sa apoy.

10 (H)At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pangpahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan (I)ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot;

11 (J)Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man, ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama, o dahil sa kaniyang ina;

12 (K)Ni lalabas sa santuario, ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios; (L)sapagka't ang talaga na langis na pangpahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya: ako ang Panginoon.

13 At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis.

14 Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.

15 At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya.

Karapatan sa pagkasaserdote.

16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.

18 Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, (M)o ang mayroong kuntil,

19 O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,

20 O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o (N)luslusin:

21 Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya'y may kapintasan; siya'y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios.

22 Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, (O)ang pinakabanal at (P)ang mga bagay na banal:

23 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang (Q)huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't (R)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

24 Gayon sinalita ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel.

Batas ng kalinisan para sa mga saserdote.

22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak (S)na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, (T)na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon.

Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, (U)na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon.

Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o (V)may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay (W)hanggang siya'y malinis. At (X)ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o (Y)lalaking nilabasan ng binhi nito;

O sinomang (Z)humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o (AA)lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya;

Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na (AB)maligo siya sa tubig.

At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, (AC)sapagka't siya niyang tinapay.

Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.

Iingatan nga nila ang aking bilin, (AD)baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

10 (AE)Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.

11 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay (AF)ay makakakain ng kaniyang tinapay.

12 At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay.

13 Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak (AG)at bumalik sa bahay ng kaniyang ama (AH)na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon.

14 (AI)At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay, ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon, at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay.

15 (AJ)At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na inihahandog sa Panginoon;

16 At (AK)gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala, pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

Ang hayop na maaaring maging handog

17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

18 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (AL)Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinaka handog na susunugin;

19 (AM)Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.

20 (AN)Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo.

21 (AO)At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, (AP)sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.

22 (AQ)Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o (AR)galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na (AS)pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.

23 Maging toro o tupa (AT)na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.

24 Yaong niluluslusan, o napisa, o nabasag, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain.

25 Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na (AU)pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: (AV)sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 (AW)Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy.

28 At maging baka o tupa (AX)ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak.

29 (AY)At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin.

30 Sa araw ding iyan kakanin; (AZ)huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga: ako ang Panginoon.

31 (BA)Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon.

32 (BB)At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; (BC)kundi ako'y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel: (BD)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa inyo,

33 (BE)Na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang ako'y maging inyong Dios: ako ang Panginoon.

Mateo 28

28 (A)Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang (B)nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena (C)at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.

At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit (D)ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.

Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:

At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig (E)ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.

At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.

Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, (F)ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.

At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y (G)nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.

At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang (H)takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

At narito, sila'y sinalubong ni (I)Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at (J)sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.

11 Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa (K)mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.

12 At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,

13 Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.

14 At kung ito'y dumating sa tainga (L)ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.

15 Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili (M)hanggang sa mga araw na ito.

16 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok (N)na sa kanila'y itinuro ni Jesus.

17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.

18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, (O)Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

19 (P)Dahil dito magsiyaon nga kayo, (Q)at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at (R)narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978