Old/New Testament
Ang pagtatalaga.
29 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: (A)kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
2 At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.
3 At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.
4 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong (B)huhugasan sila ng tubig.
5 (C)At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring (D)pamigkis ng epod:
6 At (E)iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.
7 Saka mo (F)kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.
8 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.
9 At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga (G)tiara sa kanikaniyang ulo: at (H)tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at (I)iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
Ang handog ng pagtatalaga para sa mga saserdote.
10 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni (J)Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.
11 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
12 At (K)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (L)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.
14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (M)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.
15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.
16 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.
17 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.
18 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; (N)pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
19 At (O)kukunin mo ang isang tupa; at (P)ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.
20 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.
21 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at (Q)ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
22 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang (R)tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na (S)itinalaga),
23 (T)At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:
24 At iyong (U)ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at (V)iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.
25 At (W)iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
26 At kukunin mo (X)ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.
27 At iyong ihihiwalay (Y)ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;
28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.
29 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, (Z)upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.
30 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging (AA)saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.
31 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at (AB)lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.
32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang (AC)tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
33 At (AD)kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't (AE)hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.
34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: (AF)hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.
Handog na pangaraw-araw.
35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: (AG)pitong araw na iyong itatalaga sila.
36 At araw-araw ay (AH)maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at (AI)iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.
37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; (AJ)anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
38 Ito nga (AK)ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon (AL)araw-araw na palagi.
39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:
40 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.
41 At (AM)ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
42 Magiging isang palaging (AN)handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; (AO)na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.
43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at (AP)ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.
44 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking (AQ)papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
45 At (AR)ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.
46 At kanilang makikilala, na (AS)ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
Ang dambana ng kamangyan.
30 At gagawa ka ng isang (AT)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.
2 Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
3 At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (AU)kornisang ginto sa palibot.
4 At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (AV)mabuhat.
5 At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.
6 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (AW)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
7 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (AX)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.
8 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.
9 Huwag kayong maghahandog ng ibang (AY)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.
10 At si Aaron ay tutubos ng sala (AZ)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (BA)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
Salapi na pangtubos sa kaluluwa.
11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
12 (BB)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (BC)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (BD)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (BE)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (BF)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.
14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.
15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (BG)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (BH)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (BI)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
Hugasang tanso.
17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
18 (BJ)Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas (BK)doon ng kanilang mga paa:
20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.
21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.
Langis na pangpahid.
22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na (BL)mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; (BM)at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,
24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang (BN)hin:
25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.
26 (BO)At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,
27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.
28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.
29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: (BP)lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.
30 (BQ)At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.
32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.
33 (BR)Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, (BS)ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (BT)Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;
35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa (BU)katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;
36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan (BV)na aking pakikipagtagpuan sa iyo: (BW)aariin ninyong kabanalbanalan.
37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.
38 (BX)Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
23 At pagpasok niya sa templo, ay (A)nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, (B)Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito?
24 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong, na kung inyong sasabihin sa akin, ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
25 Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit o sa mga tao? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit; sasabihin niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
26 Datapuwa't kung sasabihin, Sa mga tao; nangatatakot tayo sa karamihan; (C)sapagka't kinikilala ng lahat na (D)propeta si Juan.
27 At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
28 Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan.
29 At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon.
30 At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon.
31 Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga (E)maniningil ng buwis at ang mga (F)patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios.
32 Sapagka't naparito si Juan sa inyo (G)sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga (H)maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya.
33 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: (I)May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at (J)humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
34 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.
35 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila (K)ang isa, at (L)ang isa'y pinatay, at (M)ang isa'y binato.
36 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.
37 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.
38 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito (N)ang tagapagmana; (O)halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.
39 At siya'y hinawakan nila, at (P)itinaboy (Q)siya sa ubasan, at pinatay siya.
40 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon?
41 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, (R)at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.
42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,
(S)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
43 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (T)Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.
44 At ang (U)mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.
45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan.
46 (V)At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay (W)nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito (X)na siya'y propeta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978