Old/New Testament
Ang dalawang tapyas ay ginawang panibago.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (A)Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.
2 At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin (B)sa taluktok ng bundok.
3 At (C)sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.
4 At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.
5 At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at (D)itinanyag ang pangalan ng Panginoon.
6 At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, (E)Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
7 (F)Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: (G)at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.
8 At nagmadali si Moises, at (H)itinungo ang kaniyang ulo sa lupa, at sumamba.
9 At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y (I)nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at (J)ariin mo kaming iyong mana.
Ang babala laban sa idolatria.
10 At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at (K)gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, (L)sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.
11 Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo.
12 (M)Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:
13 Kundi (N)inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi (O)at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
14 (P)Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon (Q)na ang pangalan ay Mapanibughuin; (R)ay mapanibughuin ngang Dios:
15 Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, (S)at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at (T)ikaw ay alukin ng isa at (U)kumain ka ng kanilang hain;
16 (V)At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.
17 Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo.
Ang batas ng pangako.
18 (W)Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, (X)sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.
19 (Y)Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,
20 At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. (Z)Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.
21 (AA)Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka.
22 (AB)At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.
23 (AC)Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel.
24 Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: (AD)at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.
25 (AE)Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; (AF)o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan.
26 (AG)Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. (AH)Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
27 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
28 (AI)At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. (AJ)At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
Ang mukha ni Moises ay nagliwanag.
29 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, (AK)na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
30 At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.
31 At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila.
32 At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; (AL)at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai.
33 At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay (AM)naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.
34 Datapuwa't (AN)pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;
35 At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.
Ang batas ukol sa Sabbath.
35 At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.
2 (AO)Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.
3 (AP)Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.
Handog at mga manggagawa sa tabernakulo.
4 At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (AQ)Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,
5 Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;
6 At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;
7 At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
8 At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:
9 At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.
10 (AR)At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;
11 (AS)Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;
12 (AT)Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang (AU)lambong ng tabing;
13 (AV)Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang (AW)tinapay na handog;
14 (AX)Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang (AY)langis na pangilawan;
15 (AZ)At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, (BA)at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang (BB)tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;
16 (BC)Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng saláng tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;
17 Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;
18 Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;
19 (BD)Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
20 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.
21 (BE)At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.
22 At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng (BF)mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.
23 At bawa't taong may (BG)kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.
24 Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.
25 At lahat ng mga babaing (BH)matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.
26 At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.
27 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;
28 (BI)At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.
29 Ang mga anak ni Israel ay (BJ)nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.
Ang manggagawa ay tinawag.
30 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, (BK)Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;
31 At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;
32 At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,
33 At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa.
34 At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.
35 Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa.
23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga (A)Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, (B)Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
29 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, (C)sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
30 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi (D)gaya ng mga anghel sa langit.
31 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
32 Ako ang Dios ni Abraham, (E)at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
33 At nang marinig ito ng karamihan ay (F)nangagtaka sa kaniyang aral.
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 At isa sa kanila, na (G)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 At sinabi sa kaniya, (H)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, (I)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (J)Jesus ng isang tanong,
42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (K)kay David.
43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(L)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, (M)ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978