Add parallel Print Page Options

11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya (A)ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama (B)ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

13 Nang magkagayo'y narinig ko ang (C)isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?

Read full chapter

11 At katotohanang ang bawa't saserdote (A)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:

Read full chapter