Read the New Testament in 24 Weeks
10 Sapagka't ang kautusan na may (A)isang anino (B)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (C)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.
2 Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.
3 Nguni't (D)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.
4 Sapagka't di maaari na (E)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
5 Kaya't (F)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,
(G)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (H)sa akin ay inihanda mo;
6 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
8 Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),
9 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.
10 Sa (I)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (J)katawan ni Cristo na (K)minsan magpakailan man.
11 At katotohanang ang bawa't saserdote (L)na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:
12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng (M)isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan (N)magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang (O)kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.
14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay (P)kaniyang pinasakdal magpakailan man (Q)ang mga pinapagiging-banal.
15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo (R)rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,
16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon;
(S)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso,
At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.
18 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.
19 Mga kapatid, yamang (T)may kalayaan ngang makapasok sa (U)dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,
20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, (V)sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
21 At yamang may (W)isang Dakilang Saserdote na pangulo sa (X)bahay ng Dios;
22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso (Y)sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula (Z)sa isang masamang budhi: at (AA)mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
23 Na ating ingatang matibay ang (AB)pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't (AC)tapat ang nangako:
24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;
25 Na huwag nating pabayaan ang (AD)ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na (AE)ang araw.
26 Sapagka't (AF)kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, (AG)ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.
28 (AH)Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, (AI)ang ihahatol na nauukol doon (AJ)sa yumurak sa (AK)Anak ng Dios, at umaring di banal (AL)sa dugo ng (AM)tipan na (AN)nagpabanal sa kaniya, (AO)at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (AP)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (AQ)ng Panginoon ang kaniyang bayan.
31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
32 Datapuwa't (AR)alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata;
33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.
34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak (AS)ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang (AT)mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal.
35 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala.
36 Sapagka't kayo'y nangangailangan (AU)ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay (AV)magsitanggap kayo ng pangako.
37 Sapagka't (AW)sa madaling panahon,
Siyang pumaparito ay (AX)darating, at hindi magluluwat.
38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay (AY)mabubuhay sa pananampalataya:
At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
39 Nguni't tayo'y hindi doon (AZ)sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.
11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay (BA)na hindi nakikita.
2 Sapagka't (BB)sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.
3 Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (BC)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (BD)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.
4 Sa pananampalataya si (BE)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.
5 Sa pananampalataya si (BF)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:
6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.
7 Sa pananampalataya si Noe, (BG)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (BH)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (BI)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (BJ)katuwiran na ayon sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si (BK)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.
9 Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (BL)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:
10 Sapagka't (BM)inaasahan niya ang bayang (BN)may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at (BO)gumawa ay ang Dios.
11 Sa pananampalataya (BP)si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:
12 Kaya naman (BQ)sumibol sa isa, sa kaniya (BR)na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.
13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (BS)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (BT)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.
14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.
15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.
16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (BU)Dios (BV)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (BW)sila ng isang bayan.[a]
17 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;
18 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, (BX)Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:
19 Na inisip na (BY)maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang (BZ)halimbawa.
20 Sa pananampalataya'y (CA)binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.
21 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay (CB)binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.
22 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si (CC)Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.
23 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, (CD)ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.
24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (CE)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;
25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
26 Na inaring malaking kayamanan (CF)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (CG)ang gantingpalang kabayaran.
27 Sa pananampalataya'y (CH)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (CI)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.
28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (CJ)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.
29 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna (CK)ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.
30 Sa pananampalataya'y (CL)nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.
31 Sa pananampalataya'y (CM)hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.
32 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang (CN)tungkol kay Gideon, (CO)kay Barac, (CP)kay Samson, (CQ)kay Jefte; tungkol kay (CR)David, at (CS)kay Samuel at sa mga propeta:
33 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y (CT)nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, (CU)nangagtamo ng mga pangako, (CV)nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,
34 Nagsipatay (CW)ng bisa ng apoy, (CX)nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, (CY)nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.
35 (CZ)Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:
36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:
37 Sila'y pinagbabato, (DA)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (DB)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan
38 ((DC)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.
39 At ang lahat ng mga ito, (DD)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (DE)kinamtan ang pangako,
40 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging (DF)sakdal ng bukod sa atin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978