Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hebreo 3-5

Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (A)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (B)ang Apostol at (C)Dakilang Saserdote na ating (D)kinikilala, si Jesus;

Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya.

Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y (E)may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.

Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.

At sa katotohanang si Moises ay (F)tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, (G)na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos;

Datapuwa't si Cristo, gaya ng (H)anak ay puno sa bahay niya; (I)na ang bahay niya ay tayo, kung (J)ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri (K)sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

(L)Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo,

Ngayon (M)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi,
Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,
Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin,
At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.
10 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito,
At aking sinabi,
Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso:
Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;
11 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:

13 Nguni't (N)kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo (O)ng daya ng kasalanan:

14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung (P)ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:

15 Samantalang sinasabi,

(Q)Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.

16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat (R)na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?

17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, (S)na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?

18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?

19 At (T)nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

Mangatakot (U)nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.

Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: (V)nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.

Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya,

(W)Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan:

bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.

Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, (X)At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;

At sa dakong ito ay muling sinabi,

Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.

Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, (Y)at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway,

Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit (Z)ni David (ayon sa sinabi na ng una),

Ngayon (AA)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.

Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni (AB)Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw.

May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.

10 Sapagka't (AC)ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.

11 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang (AD)sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

12 Sapagka't (AE)ang salita ng Dios ay (AF)buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay (AG)ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at (AH)madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.

14 Yaman ngang tayo'y mayroong (AI)isang lubhang dakilang saserdote, (AJ)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (AK)ingatan nating matibay ang ating (AL)pagkakilala.

15 Sapagka't tayo'y (AM)walang isang dakilang saserdote (AN)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (AO)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (AP)gayon ma'y walang kasalanan.

16 (AQ)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (AR)ay inilagay dahil sa mga tao (AS)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (AT)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:

Na makapagtitiis na may kaamuan (AU)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (AV)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;

At (AW)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.

(AX)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (AY)gaya ni Aaron.

Gayon din si Cristo man ay (AZ)hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,

(BA)Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:

Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,

(BB)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay (BC)naghandog ng mga panalangin at mga daing (BD)na sumisigaw ng malakas at lumuluha (BE)doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

Bagama't siya'y (BF)Anak, gayon may (BG)natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

At (BH)nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;

10 Pinanganlan ng Dios na (BI)dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

11 Tungkol sa kaniya'y (BJ)marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig.

12 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman (BK)ng mga unang (BL)simulain ng (BM)aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng (BN)gatas, at hindi ng pagkaing matigas.

13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.

14 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978