Read the New Testament in 24 Weeks
6 Ano nga ang ating sasabihin? (A)Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang (B)ang biyaya ay makapanagana?
2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, (C)paano nga tayong mabubuhay pa riyan?
3 O hindi baga ninyo nalalaman na (D)tayong lahat na mga nabautismuhan (E)kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
4 Tayo nga'y (F)nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si (G)Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan (H)ng kaluwalhatian ng Ama, ay (I)gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5 Sapagka't (J)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang (K)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (L)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
7 Sapagka't (M)ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
8 Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay (N)naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;
9 Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya.
10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay (O)na minsan (P)sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
11 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't (Q)mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.
12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita:
13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka (R)kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't (S)wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.
15 Ano nga? (T)mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.
16 Hindi baga ninyo nalalaman, (U)na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
17 Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon (V)sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;
18 At (W)yamang pinalaya kayo sa kasalanan (X)ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
19 Nagsasalita ako (Y)ayon sa kaugalian ng mga tao (Z)dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.
20 Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran.
21 Ano nga ang (AA)ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't (AB)ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan.
22 Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.
23 Sapagka't (AC)ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't (AD)ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
7 O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay?
2 Sapagka't ang babae (AE)na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa.
3 Kaya nga (AF)kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.
4 Gayon din naman, mga kapatid ko, (AG)kayo'y nangamatay rin sa kautusan (AH)sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios.
5 Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, (AI)ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa (AJ)sa ating mga sangkap (AK)upang magsipagbunga sa kamatayan.
6 Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo (AL)sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.
7 Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, (AM)hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, (AN)Huwag kang mananakim:
8 Datapuwa't (AO)ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay.
9 At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay;
10 At ang utos (AP)na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay;
11 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, (AQ)ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.
12 Kaya nga (AR)ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at (AS)matuwid, at mabuti.
13 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;—na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.
14 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y (AT)sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na (AU)ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.
15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: (AV)sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.
17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
18 Sapagka't nalalaman ko na (AW)sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.
19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.
20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.
22 Sapagka't (AX)ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios (AY)ayon sa pagkataong loob:
23 Datapuwa't (AZ)nakikita ko ang ibang kautusan sa (BA)aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.
24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa (BB)katawan nitong kamatayan?
25 Nagpapasalamat ako sa Dios (BC)sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978