Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Juan 4-5

Mga minamahal, (A)huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, (B)kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't (C)maraming nagsilitaw na (D)mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: (E)ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay (F)naparitong nasa laman ay sa Dios:

At ang (G)bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; (H)at ngayo'y nasa sanglibutan na.

Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila (I)siyang nasa inyo (J)kay sa nasa sanglibutan.

Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig (K)ng sanglibutan.

Tayo nga'y sa Dios: (L)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (M)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

(N)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (O)Dios ay pagibig.

(P)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (Q)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (R)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

10 Narito ang pagibig, (S)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (T)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.

11 Mga minamahal, (U)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.

12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (V)kung tayo'y nangagiibigan, ang (W)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:

13 Dito'y nakikilala natin na (X)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.

14 At (Y)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (Z)ng Ama ang Anak upang maging (AA)Tagapagligtas ng sanglibutan.

15 Ang (AB)sinomang nagpapahayag (AC)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (AD)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (AE)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.

18 Walang takot sa pagibig: (AF)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

19 (AG)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

20 Kung sinasabi ng sinoman, (AH)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (AI)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?

21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

Ang sinomang nananampalataya na (AJ)si Jesus ay siyang Cristo (AK)ay ipinanganak ng Dios: at (AL)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Sapagka't (AM)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (AN)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (AO)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (AP)si Jesus ay anak ng Dios?

Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; (AQ)hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.

At ang Espiritu ang nagpapatotoo, (AR)sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.

(AS)Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: (AT)sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.

10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay (AU)may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios (AV)ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.

11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng (AW)buhay na walang hanggan, (AX)at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.

12 (AY)Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

13 (AZ)Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

14 At ito ang nasa ating (BA)pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na (BB)ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at (BC)bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. (BD)May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

17 Lahat ng (BE)kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; (BF)datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.

19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios (BG)at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala (BH)siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang (BI)buhay na walang hanggan.

21 Mga anak ko, (BJ)mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978