New Testament in a Year
Nangaral si Esteban
7 Nagtanong ang Kataas-taasang Pari, “Totoo ba ang mga ito?” 2 Sumagot (A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan po ninyo ako. Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating amang si Abraham noong siya'y nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran. 3 Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ipapakita ko sa iyo.’ 4 Kaya (B) umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinalipat siya ng Diyos sa lupaing inyong tinitirhan ngayon. 5 Gayunma'y hindi (C) siya binigyan dito ng anumang pamana, kahit man lamang kapirasong lupa. Subalit ipinangako na ibibigay iyon sa kanya at sa kanyang binhing kasunod niya bagaman wala pa siyang anak noon. 6 Ganito (D) ang sinabi ng Diyos: ‘Ang iyong binhi ay maninirahan sa ibang lupain, at sila'y aalipinin at aapihin doon nang apatnaraang taon. 7 Ngunit (E) parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila,’ wika ng Diyos. ‘Pagkatapos ng mga ito ay lalabas sila at sasambahin nila ako sa dakong ito.’ 8 Pagkatapos (F) ay ibinigay niya sa kanya ang tipan ng pagtutuli. At si Abraham ay naging ama ni Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at si Isaac ay naging ama ni Jacob, at si Jacob ng labindalawang patriyarka.
9 “Dahil sa inggit ng mga patriyarka kay Jose, siya'y kanilang ipinagbili sa Ehipto. (G) Ngunit kasama niya ang Diyos, 10 at iniligtas siya (H)sa lahat ng kanyang kapighatian. Pinagpala siya ng Diyos at binigyan ng karunungan sa harapan ng Faraon na hari ng Ehipto. Itinalaga siyang maging tagapamahala sa Ehipto at sa buong sambahayan ng Faraon. 11 Dumating (I) noon ang taggutom at matinding paghihirap sa buong Ehipto at sa Canaan, at walang matagpuang pagkain ang ating mga ninuno. 12 Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, una niyang pinapunta roon ang ating mga ninuno. 13 Sa ikalawang pagpunta nila (J) ay nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid at nakilala ng Faraon ang sambahayan ni Jose. 14 Pagkatapos (K) ay ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob, at ang lahat niyang kamag-anak na pitumpu't limang katao. 15 Kaya't (L) nagtungo si Jacob sa Ehipto. Doon siya namatay, gayundin ang ating mga ninuno. 16 Ibinalik sila (M) sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham mula sa mga anak ni Hamor. 17 “Ngunit (N) nang nalalapit na ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, lumago at dumami ang ating sambayanan sa Ehipto, 18 hanggang sa nagkaroon ng hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. 19 Dinaya at pinagsamantalahan (O) nito ang ating lahi, pinagmalupitan ang ating mga ninuno at pinilit na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Sa (P) panahong iyon ay ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kanyang ama. 21 Nang (Q) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y pinalaking parang sarili niyang anak.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.