Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Cronica 16

Digma laban kay Baasa.

16 Nang ikatatlong pu't anim na taon ng paghahari ni Asa, si (A)Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama, upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.

Nang magkagayo'y kumuha si Asa ng pilak, at ginto sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at nagsugo kay Ben-adad, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na ipinasasabi,

May pagkakasundo ako at ikaw, na gaya ng aking ama at ng iyong ama: narito, ako'y nagpapadala sa iyo ng pilak at ginto; yumaon ka, sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel, upang siya'y lumayas sa akin.

At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo niya ang mga pinunong kawal ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at kanilang sinaktan ang (B)Ion, at ang Dan, at ang Abel-maim, at ang lahat na bayang kamaligan ng Nephtali.

At nangyari, nang mabalitaan ni Baasa, na iniwan niya ang pagtatayo ng Rama, at ipinatigil ang kaniyang gawa.

Nang magkagayo'y ipinagsama ni Asa na hari ang buong Juda; at kanilang dinala ang mga bato ng Rama, at ang kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo niya sa pamamagitan niyaon ang Gibaa at Mizpa.

At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si (C)Hanani na tagakita, at nagsabi sa kaniya, (D)Sapagka't ikaw ay (E)nagtiwala sa hari sa Siria, at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kaya't ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay.

(F)Hindi ba ang mga taga Etiopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo, na may mga karo at mangangabayo na totoong marami? gayon ma'y sapagka't ikaw ay nagtiwala sa Panginoon, (G)ibinigay sila sa iyong kamay.

(H)Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya. Ikaw ay gumawang may kamangmangan; sapagka't mula ngayo'y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma.

10 Nang magkagayo'y nagalit si Asa sa tagakita, at inilagay niya siya sa (I)bilangguan: sapagka't siya'y nagalit sa kaniya dahil sa bagay na ito. At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon.

Ang kamatayan ni Asa.

11 (J)At, narito, ang mga gawa ni Asa, na una at huli, narito, nangakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel.

12 At nang ikatatlong pu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot.

13 (K)At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at namatay sa ikaapat na pu't isang taon ng kaniyang paghahari.

14 At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan, na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David, at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga (L)masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango; at (M)ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa.

Apocalipsis 5

At nakita ko sa kanang kamay niyaong (A)nakaupo sa luklukan ang (B)isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na (C)tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?

At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.

At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:

At sinabi sa akin ng (D)isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, (E)ang Leon (F)sa angkan ni Juda, (G)ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak (H)nito.

At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang (I)isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at (J)pitong mata, na (K)siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.

At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

At pagkakuha niya ng aklat, (L)ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may (M)alpa, at mga (N)mangkok na ginto na puno ng kamangyan, (O)na siyang mga panalangin ng mga banal.

At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,

Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios (P)ng iyong dugo (Q)ang mga tao (R)sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
10 At sila'y (S)iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.

11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; (T)at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;

12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig,

Karapatdapat (U)ang Cordero na pinatay upang tumanggap (V)ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.

13 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi,

Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, (W)at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.

14 At (X)ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, (Y)Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.

Zacarias 1

Ang Panginoon ay muling nagsalita sa bayan.

(A)Nang ikawalong buwan, (B)nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni (C)Iddo, na propeta, na nagsasabi,

Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang.

Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (D)Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(E)Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, (F)na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.

Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?

(G)Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, (H)Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, (I)ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.

Ang mga kabayo na pangitain ni Zacarias.

Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi,

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (J)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (K)kabayong mapula, alazan, at maputi.

Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At (L)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito.

10 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa.

11 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay.

12 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (M)hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, (N)laban sa iyong mga kinagalitan (O)nitong pitong pung taon?

13 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, (P)ng mga salitang pangaliw.

14 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (Q)Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho.

15 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; (R)sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo (S)roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (T)isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.

17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at (U)aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at (V)pipiliin pa ang Jerusalem.

18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang (W)apat na sungay.

19 At aking sinabi sa (X)anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, (Y)Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem.

20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.

21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na (Z)nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.

Juan 4

Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan

(bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad),

Nilisan niya ang (A)Judea, at naparoong (B)muli sa Galilea.

At kinakailangang magdaan siya sa Samaria.

Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang (C)ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak:

At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.

Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako.

Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain.

Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap (D)ang mga Judio sa mga Samaritano.)

10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya (E)ng tubig na buhay.

11 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay?

12 Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop?

13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa't uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw:

14 Datapuwa't (F)ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa (G)kabuhayang walang hanggan.

15 Sinabi sa kaniya ng babae, (H)Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa.

16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka.

17 Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa:

18 Sapagka't nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito'y sinabi mo ang katotohanan.

19 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, (I)napaghahalata kong ikaw ay isang propeta.

20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na (J)ito; at sinasabi ninyo, na (K)sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.

21 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, (L)na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.

22 Sinasamba ninyo (M)ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; (N)sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.

23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa (O)espiritu at (P)katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

25 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto (Q)ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya (R)sa amin ang lahat ng mga bagay.

26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.

27 At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?

28 Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,

29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, (S)na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?

30 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.

31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, (T)kumain ka.

32 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman.

33 Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain?

34 Sinabi sa kanila ni Jesus, (U)Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.

35 Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, (V)na mapuputi na upang anihin.

36 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang (W)ang naghahasik (X)at ang umaani ay mangagalak kapuwa.

37 Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.

38 Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at (Y)kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.

39 At marami sa mga Samaritano sa bayang (Z)yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.

40 Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw.

41 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita;

42 At sinabi nila sa babae, Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka't (AA)kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan.

43 At pagkaraan ng (AB)dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea.

44 Sapagka't si (AC)Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain.

45 Kaya nang siya'y dumating sa Galilea, ay tinanggap (AD)siya ng mga Galileo, (AE)nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan.

46 Naparoon ngang muli (AF)siya sa Cana ng Galilea, na doo'y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum.

47 Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka't siya'y naghihingalo.

48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, (AG)Malibang kayo'y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan.

49 Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak.

50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya'y yumaon sa kaniyang lakad.

51 At samantalang siya'y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay.

52 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya'y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.

53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.

54 (AH)Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978