Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Cronica 33

Ang paghahari ni Manases. Ang kaniyang pagsamba sa dios-diosan.

33 Si Manases ay (A)may labing dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limang pu't limang taon sa Jerusalem.

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.

Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama: at siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal, at gumawa ng mga Asera, at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa mga yaon,

At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man.

At siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon.

Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa (B)libis ng anak ni Hinnom: (C)at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.

At siya'y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan, na kaniyang ginawa, sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man:

Ni babaguhin pa man ang paa ng Israel sa lupain na aking itinakda na ukol sa inyong mga magulang, kung kanila lamang isasagawa ang lahat na aking iniutos sa kanila, sa makatuwid baga'y ang buong kautusan at ang mga palatuntunan at ang mga ayos, sa pamamagitan ng kamay ni Moises.

At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama kay sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.

Ang parusa kay Manases at ang pagbabago.

10 At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila.

11 Kaya't dinala ng (D)Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.

12 At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang.

13 At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios.

14 Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David, sa dakong kalunuran ng Gihon, (E)sa libis, hanggang sa pasukan sa (F)pintuang-bayan ng mga isda; (G)at kaniyang kinulong ang Ophel, at itinaas ng malaking kataasan: at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda.

15 At kaniyang inalis (H)ang mga dios ng iba, at ang (I)diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan.

16 At kaniyang itinayo ang dambana ng Panginoon, at naghandog doon ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at tungkol sa mga pasalamat, at inutusan ang Juda na maglingkod sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

17 Gayon ma'y naghain (J)ang bayan na nagpatuloy sa mga mataas na dako, nguni't sa Panginoon lamang na kanilang Dios.

18 Ang iba nga sa mga gawa ni Manases, at ang kaniyang dalangin sa kaniyang Dios, at ang mga salita (K)ng mga tagakita na nagsalita sa kaniya sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, narito, nangakasulat sa mga gawa ng mga hari sa Israel.

19 Gayon din ang kaniyang panalangin, at kung paanong dininig siya, at ang buo niyang kasalanan at pagsalangsang niya, at ang mga (L)dakong kaniyang pinagtayuan ng mga mataas na dako, at pinagtindigan ng mga Asera at ng mga larawang inanyuan, bago siya nagpakumbaba: narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Hozai.

20 Sa gayo'y (M)natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Ang paghahari ni Amon.

21 (N)Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem.

22 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng (O)larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon.

23 At siya'y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon, (P)na gaya ng pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama: kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit.

24 At ang kaniyang mga lingkod ay naghimagsik laban sa kaniya, at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay.

25 Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.

Apocalipsis 19

19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi,

Aleluya; (B)Kaligtasan, at (C)kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
Sapagka't tunay at matuwid ang (D)kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya (E)ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at (F)iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (G)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (H)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (I)Siya nawa; Aleluya.

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,

(J)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

At narinig ko ang (K)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (L)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (M)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (N)kaniyang asawa ay nahahanda na.
At (O)sa kaniya'y ipinagkaloob na (P)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, (Q)Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, (R)Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.

10 At (S)ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, (T)Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid (U)na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't (V)ang patotoo ni Jesus ay siyang (W)espiritu ng hula.

11 At nakita kong bukas ang (X)langit; at narito, ang isang (Y)kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na (Z)Tapat at (AA)Totoo; (AB)at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

12 At ang (AC)kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, (AD)at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y (AE)may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

13 At siya'y nararamtan (AF)ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na (AG)Ang Verbo ng Dios.

14 At ang mga hukbong (AH)nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang (AI)linong maputi at dalisay.

15 At (AJ)sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at (AK)kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan (AL)niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, (AM) Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, (AN)Halikayo at mangagkatipon (AO)sa dakilang hapunan ng Dios;

18 Upang kayo'y (AP)makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga (AQ)pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki.

19 At nakita ko (AR)ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon (AS)upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo.

20 At sinunggaban ang hayop, (AT)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (AU)sa harapan nito, na siyang (AV)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (AW)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (AX)niyaong nakasakay sa kabayo, at (AY)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.

Malakias 1

Ang pagibig ng Panginoon sa Jacob.

(A)Ang hula na salita ng Panginoon sa (B)Israel sa pamamagitan ni Malakias.

(C)Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y (D)inibig ko si Jacob;

Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at (E)ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.

Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.

At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.

Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, (F)Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?

Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na (G)hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.

At (H)pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa (I)iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang (J)lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; (K)ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog (L)sa inyong kamay.

11 Sapagka't (M)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (N)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (O)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (P)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (Q)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang (R)pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: (S)tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang (T)lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon (U)ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.

Juan 18

18 Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito, (A)siya'y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron, na doo'y may isang halamanan, na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad.

Si Judas nga rin naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nalalaman ang dako: sapagka't madalas na si (B)Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon.

Si Judas nga, (C)pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata.

Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap?

Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.

Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.

Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret.

Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad.

Upang matupad ang salitang sinalita niya, (D)Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa.

10 Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco.

11 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, Isalong mo ang iyong tabak: (E)ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman?

12 Kaya dinakip si Jesus ng pulutong at ng pangulong kapitan, at ng mga punong kawal ng mga Judio, at siya'y ginapos.

13 At (F)siya'y dinala muna (G)kay Anas; sapagka't siya'y biyenan ni (H)Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon.

14 Si Caifas nga (I)na siyang nagpayo sa mga Judio, na dapat na ang isang tao'y mamatay dahil sa bayan.

15 At sumunod si (J)Simon Pedro kay Jesus, at gayon din ang isa pang alagad. Ang alagad ngang yaon ay kilala ng dakilang saserdote, at pumasok na kasama ni Jesus sa looban ng dakilang saserdote;

16 Nguni't si Pedro ay (K)nakatayo sa pintuan sa labas. Kaya't ang isang alagad, na kilala ng dakilang saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tanod-pinto, at ipinasok si Pedro.

17 Sinabi nga kay Pedro ng dalagang tanod-pinto, Pati baga ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito? Sinabi niya, Ako'y hindi.

18 Nangakatayo nga doon ang mga alipin at ang mga punong kawal, na nangagpapaningas ng sigang uling; sapagka't maginaw; at sila'y nangagpapainit: at si Pedro rin naman ay kasama nila, na nakatayo at nagpapainit.

19 (L)Tinanong nga ng dakilang saserdote si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad, at sa kaniyang pagtuturo.

20 Sinagot siya ni Jesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo (M)sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim.

21 Bakit ako'y iyong tinatanong? tanungin mo silang nangakarinig sa akin, kung anong sinalita ko sa kanila: narito, ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko.

22 At nang kaniyang masabi ito, ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong kawal na nakatayo roon, na nagsasabi, (N)Ganyan ang pagsagot mo sa dakilang saserdote?

23 Sinagot siya ni Jesus, Kung ako'y nagsalita ng masama, patotohanan mo ang kasamaan; datapuwa't kung mabuti, bakit mo ako sinasampal?

24 Ipinadala nga siyang gapos ni Anas kay Caifas na dakilang saserdote.

25 Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit. (O)Sinabi nga nila sa kaniya, Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad? Siya'y kumaila, at sinabi, Ako'y hindi.

26 Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote, na kamaganak (P)niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga, ay nagsabi, Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan?

27 Muli ngang kumaila si Pedro: at (Q)pagdaka'y tumilaok ang manok.

28 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio: at niyao'y maaga pa; (R)at sila'y hindi nagsipasok sa Pretorio, upang huwag silang madungisan, (S)upang sila'y mangyaring makakain ng kordero ng paskua.

29 (T)Nilabas nga sila ni Pilato, at sinabi, Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito?

30 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Kung ang taong ito'y hindi manggagawa ng masama, ay hindi sana namin dinala sa iyo.

31 Sa kanila nga'y sinabi ni Pilato, Kunin ninyo siya, at siya'y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan. Ang mga Judio'y nangagsabi sa kaniya, Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao:

32 Upang matupad (U)ang salitang sinalita ni Jesus, na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay.

33 Si Pilato nga'y muling pumasok sa Pretorio, at tinawag si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio?

34 Sumagot si Jesus, Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili, o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin?

35 Si Pilato ay sumagot, Ako baga'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo'y nagdala sa akin: anong ginawa mo?

36 Sumagot si Jesus, (V)Ang kaharian ko ay hindi (W)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (X)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (Y)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (Z)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (AA)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (AB)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

38 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan?

At nang masabi niya ito ay (AC)lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

39 Nguni't kayo'y (AD)may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua: ibig nga baga ninyong sa inyo'y pawalan ko ang Hari ng mga Judio?

40 Sila nga'y nagsigawang muli, na nangagsasabi, Huwag ang taong ito, kundi si Barrabas. Si Barrabas nga'y isang tulisan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978