Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Cronica 11-12

Ang pagtutol ay ipinagbawal.

11 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.

Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi,

Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa (A)buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin,

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.

At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.

Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,

At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,

At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph,

At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha,

10 At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan.

11 At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.

12 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.

Ang mga Levita ay nagsiparoon sa Juda.

13 At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.

14 Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga (B)nayon at ang kanilang pagaari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas (C)sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;

15 (D)At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at (E)sa mga kambing na lalake, at sa mga (F)guya na kaniyang ginawa.

16 (G)At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.

17 (H)Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon.

Ang sangbahayan ni Roboam.

18 At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni (I)Eliab, na anak ni Isai;

19 At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham.

20 At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya (J)kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.

21 At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.)

22 At inihalal ni Roboam si (K)Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.

23 At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa.

Ang pagsalakay ni Sisac.

12 At nangyari, nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya'y malakas, na (L)kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon, at ang buong Israel ay kasama niya.

(M)At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,

Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga (N)Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia.

At sinupok niya ang mga (O)bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem.

(P)Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac.

Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid.

At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.

Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala (Q)ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.

Ang templo ay iginiba.

(R)Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na (S)ginawa ni Salomon.

10 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari.

11 At nangyari, na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon, at ibinabalik sa silid ng bantay.

12 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay.

13 Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na (T)bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

14 At siya'y gumawa ng masama, sapagka't hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon.

Ang kamatayan ni Roboam.

15 (U)Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni (V)Semeias na propeta at ni (W)Iddo na tagakita, ayon sa (X)ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam.

16 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: (Y)at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Apocalipsis 2

Sa (A)anghel ng iglesia sa (B)Efeso ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (C)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (D)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (E)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (F)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (G)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (H)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (I)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (J)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (K)Paraiso ng Dios.

At (L)sa anghel ng iglesia sa (M)Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (N)na namatay, at muling nabuhay:

Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (O)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (P)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (Q)kundi isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (R)magkakaroon kayo ng kapighatiang (S)sangpung araw. (T)Magtapat (U)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (V)ng putong ng buhay.

11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (W)ng ikalawang kamatayan.

12 At (X)sa anghel ng iglesia sa (Y)Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi (Z)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni (AA)Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, (AB)upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at (AC)makiapid.

15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng (AD)mga Nicolaita.

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (AE)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (AF)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At (AG)sa anghel ng iglesia sa (AH)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (AI)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa't (AJ)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (AK)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang (AL)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (AM)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (AN)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (AO)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (AP)ako'y pumariyan.

26 (AQ)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (AR)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (AS)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya'y ibibigay ko (AT)ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Zefanias 3

Sa aba ng Jerusalem at ng mga bansa.

Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng (A)mapagpighating kamay!

Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios.

Ang mga prinsipe niya (B)sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga (C)lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.

Ang kaniyang mga propeta ay mga (D)walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, (E)sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.

Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.

Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.

Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; (F)sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y (G)bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.

Kaya't (H)hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay (I)pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, (J)ng silakbo ng aking paninibugho.

Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.

10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng (K)aking pinapangalat, ay magdadala ng handog (L)sa akin.

11 Sa araw na yao'y (M)hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at (N)hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.

12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang (O)nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.

13 Ang nalabi (P)sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, (Q)ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, (R)at walang takot sa kanila.

Ang muling pagkatayo at katatagan ng Israel.

14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.

15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.

16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, (S)huwag manghina ang iyong mga kamay.

17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.

18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.

19 Narito, (T)sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at (U)aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.

20 Sa panahong yao'y (V)aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, (W)pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Juan 1

(A)Nang pasimula siya ang (B)Verbo, at ang Verbo ay (C)sumasa Dios, at ang Verbo (D)ay Dios.

Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.

Ang lahat ng mga bagay ay ginawa (E)sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

(F)Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

At ang ilaw ay lumiliwanag (G)sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.

Naparito ang isang tao, na (H)sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.

Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.

Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan.

10 Siya'y nasa sanglibutan, at (I)ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.

11 Siya'y naparito sa (J)sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.

12 Datapuwa't (K)ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:

13 Na mga ipinanganak na (L)hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.

14 At (M)nagkatawang-tao (N)ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang (O)kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, (P)Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: (Q)sapagka't siya'y (R)una sa akin.

16 Sapagka't sa kaniyang (S)kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.

17 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; (T)ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating (U)sa pamamagitan ni Jesu-cristo.

18 (V)Walang taong nakakita kailan man sa Dios; (W)ang bugtong na Anak, na nasa (X)sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?

20 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.

21 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si (Y)Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga (Z)ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.

22 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?

23 Sinabi niya, (AA)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.

24 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo.

25 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?

26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, (AB)Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,

27 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.

28 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.

29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (AC)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!

30 (AD)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.

31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (AE)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.

32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (AF)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.

33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (AG)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.

34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (AH)ang Anak ng Dios.

35 Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;

36 At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, (AI)Narito, ang Cordero ng Dios!

37 At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad, at sila'y nagsisunod kay Jesus.

38 At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira?

39 Sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira; at sila'y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon: noo'y magiikasangpu na ang oras.

40 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si (AJ)Andres na kapatid ni Simon Pedro.

41 Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang (AK)Mesias (na kung liliwanagin, ay ang (AL)Cristo).

42 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, (AM)Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang (AN)Cefas (na kung liliwanagin, ay (AO)Pedro).

43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.

44 Si (AP)Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro.

45 Nasumpungan ni Felipe si (AQ)Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni (AR)Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na (AS)taga Nazaret, (AT)ang anak ni Jose.

46 At sinabi sa kaniya ni Natanael, (AU)Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo.

47 Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya, at sinabi ang tungkol sa kaniya, Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya'y walang daya!

48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.

49 Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, (AV)ikaw ang Anak ng Dios; ikaw (AW)ang Hari ng Israel.

50 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.

51 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (AX)Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan (AY)ng Anak ng tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978