Read the Gospels in 40 Days
17 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad (A)Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.
2 Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.
3 Mangagingat kayo sa inyong sarili: (B)kung magkasala ang iyong kapatid, (C)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.
4 At kung siya'y (D)makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.
5 At sinabi (E)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.
6 At sinabi ng Panginoon, (F)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.
7 Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;
8 At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?
9 Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?
10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.
11 At nangyari, na (G)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (H)Samaria at (I)Galilea.
12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (J)na nagsitigil sa malayo:
13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.
14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (K)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.
15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;
16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.
17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?
18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?
19 At sinabi niya sa kaniya, (L)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.
20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, (M)kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:
21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay (N)nasa loob ninyo.
22 At sinabi niya sa mga alagad, (O)Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong (P)makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.
23 At sasabihin nila sa inyo, (Q)Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisunod man sa kanila:
24 Sapagka't gaya (R)ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa (S)kaniyang kaarawan.
25 Datapuwa't (T)kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.
26 At kung paano ang nangyari (U)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.
29 Datapuwa't nang araw (V)na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:
30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.
31 Sa araw na yaon, (W)ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pagaari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.
32 Alalahanin ninyo (X)ang asawa ni Lot.
33 Sinomang (Y)nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.
34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
35 Magkasamang gigiling (Z)ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.[a]
37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, (AA)Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.
18 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat (AB)magsipanalanging lagi, at (AC)huwag manganglupaypay;
2 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan:
3 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit.
4 At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:
5 Gayon man, (AD)sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.
6 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom.
7 At hindi baga, (AE)igaganti ng Dios ang kaniyang mga (AF)hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y (AG)may pagpapahinuhod sa kanila?
8 Sinasabi ko sa inyo, (AH)na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?
9 At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa (AI)nagsisiasa (AJ)sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba:
10 May dalawang lalaking (AK)nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y (AL)maniningil ng buwis.
11 (AM)Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.
12 Makalawa akong (AN)nagaayuno sa isang linggo; (AO)nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.
13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay (AP)ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi (AQ)dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.
14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaring-ganap kay sa isa: (AR)sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.
15 At dinala naman nila (AS)sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila.
16 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
18 (AT)At tinanong siya ng (AU)isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay?
19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.
20 Talastas mo ang mga utos, (AV)Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina.
21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata.
22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman.
24 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, (AW)Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!
25 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios.
26 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas?
27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.
28 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo.
29 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios,
30 Na di tatanggap ng makapupung higit (AX)sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay.
31 At (AY)isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat (AZ)ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao.
32 Sapagka't siya'y (BA)ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan.
33 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya.
34 At (BB)wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi.
35 At nangyari, (BC)na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos:
36 At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon.
37 At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret.
38 At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
39 At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
40 At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya,
41 Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin.
42 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo.
43 At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng (BD)buong bayan, ay nangagpuri sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978