Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the Gospels in 40 Days

Read through the four Gospels--Matthew, Mark, Luke, and John--in 40 days.
Duration: 40 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Juan 13-14

13 Bago nga (A)magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya (B)na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.

At habang humahapon, nang mailagay na (C)ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.

Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,

Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.

Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.

Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.

Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, (D)Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.

Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, (E)Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.

10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.

11 Sapagka't (F)nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.

12 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?

13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.

14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, (G)kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.

15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng (H)halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.

16 Katotohanan, (I)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.

17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.

18 (J)Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, (K)Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo (L)bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya (M)na ako nga.

20 Katotohanan, (N)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.

21 Nang masabing gayon ni Jesus, (O)siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, (P)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.

23 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, (Q)na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.

24 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.

25 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?

26 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at (R)ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.

27 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay (S)pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.

28 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.

29 Sapagka't iniisip ng ilan, na (T)sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan (U)sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.

30 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.

31 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay (V)niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang (W)Dios ay niluluwalhati sa kaniya:

32 At luluwalhatiin siya ng (X)Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.

33 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at (Y)gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.

34 (Z)isang bagong utos ang (AA)sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.

35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao (AB)na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.

36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, (AC)saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: (AD)nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.

37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? (AE)Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.

38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok (AF)ang manok, (AG)hanggang ikaila mo akong makaitlo.

14 Huwag magulumihanan ang inyong puso: (AH)magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.

Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.

At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, (AI)ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.

(AJ)Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, (AK)hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako (AL)ang daan, at (AM)ang katotohanan, at (AN)ang buhay: (AO)sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.

Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? (AP)ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?

10 Hindi ka baga nananampalataya na (AQ)ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y (AR)hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: (AS)o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.

12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.

13 (AT)At ang anomang inyong hingin (AU)sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.

14 Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.

15 Kung ako'y inyong iniibig, (AV)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (AW)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,

17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (AX)ng katotohanan: (AY)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

18 Hindi ko kayo iiwang (AZ)magisa: ako'y paririto sa inyo.

19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (BA)inyong makikita ako: (BB)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.

20 (BC)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.

21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.

22 Si (BD)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?

23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (BE)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.

24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.

26 Datapuwa't (BF)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (BG)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (BH)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

27 (BI)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (BJ)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (BK)ako'y pasasa Ama: sapagka't (BL)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.

29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.

30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (BM)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;

31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (BN)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978