Read the Gospels in 40 Days
23 At nagsitindig ang buong kapulungan (A)nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.
2 At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at (B)ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi (C)na siya rin nga ang Cristo, ang hari.
3 At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.
4 At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, (D)Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.
5 Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.
6 Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.
7 At nang maunawa na siya'y (E)nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.
8 Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
9 At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.
10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.
11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, (F)at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.
13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,
14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;
15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.[a](G)
18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:
19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa (H)pagpatay.
20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;
21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.
22 At kaniyang sinabi sa kanila, (I)na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.
23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,
25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.
26 At nang siya'y kanilang dalhin (J)ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.
27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.
28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.
29 Sapagka't (K)narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.
30 Kung magkagayon (L)ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.
31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa (M)punong kahoy na sariwa, (N)ano kaya ang gagawin sa tuyo?
32 At dinala rin naman na (O)kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.
33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
34 At sinabi ni Jesus, (P)Ama, (Q)patawarin mo sila; sapagka't (R)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (S)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
35 At nakatayong nanonood (T)ang bayan. At tinutuya naman siya (U)ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.
36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,
37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.
38 At (V)mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.
39 At siya'y inalipusta ng (W)isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.
40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?
41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa (X)Paraiso.
44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,
45 (Y)At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna (Z)ang tabing ng templo.
46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (AA)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.
47 At nang (AB)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.
48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (AC)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49 At ang lahat ng mga kakilala niya (AD)at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.
50 At narito ang isang lalaking (AE)nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid
51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, (AF)na naghihintay ng kaharian ng Dios;
52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, (AG)na doo'y wala pang nalilibing.
54 At noo'y araw ng (AH)Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.
55 At ang mga babae, (AI)na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.
56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento.
At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga (AJ)ayon sa utos.
24 Datapuwa't (AK)nang unang araw ng sanglinggo (AL)pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga (AM)pabango na kanilang inihanda.
2 At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
3 At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.
4 At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang (AN)dalawang (AO)lalake na nakasisilaw ang mga damit:
5 At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buháy sa gitna ng mga patay?
6 Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea (AP)pa,
7 Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.
8 At naalaala nila ang kaniyang mga salita,
9 At nagsibalik mula sa libingan, (AQ)at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa.
10 Sila nga'y si Maria (AR)Magdalena, si (AS)Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.
11 At ang mga salitang ito'y (AT)inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan.
12 Datapuwa't nagtindig si Pedro, (AU)at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon.
13 At narito, (AV)dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.
14 At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.
15 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.
16 Datapuwa't sa (AW)mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala.
17 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.
18 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?
19 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, (AX)na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:
20 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.
21 Datapuwa't hinihintay naming (AY)siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
22 Bukod sa rito (AZ)iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong (BA)maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;
23 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita (BB)ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buháy.
24 At nagsiparoon sa libingan ang (BC)ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.
25 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!
26 (BD)Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?
27 (BE)At magmula kay (BF)Moises at sa (BG)mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
28 At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.
29 At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.
30 At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay (BH)kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.
31 At (BI)nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.
32 At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
33 At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, (BJ)at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at (BK)ang kanilang mga kasama.
34 Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at (BL)napakita kay Simon,
35 At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at (BM)kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.
36 At (BN)samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.
37 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang (BO)espiritu.
38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?
39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: (BP)hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.
41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, (BQ)Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?
42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.
43 At kaniyang inabot yaon, (BR)at kumain sa harap nila.
44 At sinabi niya sa kanila, (BS)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (BT)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (BU)mga awit.
45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;
46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na (BV)kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
47 At ipangaral sa kaniyang pangalan (BW)ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan (BX)sa lahat ng mga bansa, (BY)magbuhat sa Jerusalem.
48 (BZ)Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
49 At narito, (CA)ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, (CB)hanggang sa kayo'y masangkapan ng (CC)kapangyarihang galing sa itaas.
50 At kaniyang dinala sila sa labas (CD)hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan.
51 At nangyari, (CE)na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.
52 At (CF)siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem (CG)na may malaking galak:
53 At palaging sila'y (CH)nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978