Read the Gospels in 40 Days
11 Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga (A)Betania, na nayon ni (B)Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.
2 At ito'y yaong (C)si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
3 Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.
4 Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, (D)kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
5 Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.
6 Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, (E)siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.
7 Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.
8 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang (F)batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?
9 Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? (G)Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
10 Nguni't (H)ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
11 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay (I)natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
15 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.
16 Si (J)Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
17 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang (K)apat na araw na siya'y nalilibing.
18 Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio;
19 At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid.
20 Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay.
21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
22 At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.
23 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid.
24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa (L)pagkabuhay na maguli sa huling araw.
25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako (M)ang pagkabuhay na maguli, (N)at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay (O)hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
27 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: (P)sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang naparirito sa sanglibutan.
28 At nang masabi na niya ito, ay yumaon siya, at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya, na sinasabi, Ang Guro ay narito, at tinatawag ka.
29 At siya, nang marinig niya ito, ay nagtindig na madali, at pumaroon sa kaniya.
30 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)
31 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.
32 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
33 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,
34 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.
35 Tumangis si Jesus.
36 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!
37 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na (Q)nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?
38 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at (R)mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.
39 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.
40 Sinabi sa kaniya ni Jesus, (S)Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo (T)ang kaluwalhatian ng Dios?
41 Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.
42 At nalalaman ko na ako'y lagi mong (U)dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.
43 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.
44 Siya na patay ay lumabas, (V)na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.
45 Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria (W)at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya.
46 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa (X)mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.
47 Ang mga pangulong saserdote nga (Y)at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.
48 Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.
49 Nguni't ang isa sa kanila na (Z)si Caifas, na dakilang saserdote nang taong (AA)yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman.
50 Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.
51 Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;
52 At (AB)hindi dahil sa bansa lamang, (AC)kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.
53 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.
54 Si Jesus ay hindi (AD)na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.
55 Ang paskua nga ng mga Judio (AE)ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, (AF)upang magsipaglinis.
56 Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?
57 Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.
12 Anim na araw nga bago (AG)magpaskua ay naparoon (AH)si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni (AI)Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
2 (AJ)Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
3 Si Maria nga'y kumuha ng (AK)isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at (AL)pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
4 Datapuwa't (AM)si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,
5 Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
6 Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, (AN)at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
7 Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong (AO)ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.
9 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, (AP)na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
11 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
12 Nang kinabukasan (AQ)ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
13 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
14 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
15 Huwag kang matakot, (AR)anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
16 Ang mga bagay na ito ay (AS)hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: (AT)nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
17 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
18 (AU)Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
19 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, (AV)Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
20 Mayroon (AW)ngang ilang (AX)Griego sa (AY)nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay (AZ)Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
22 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na (BA)ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (BB)Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang umiibig sa (BC)kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang (BD)napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at (BE)kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
27 Ngayon ay (BF)nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. (BG)Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
29 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
30 Sumagot si Jesus at sinabi, (BH)Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
31 Ngayon (BI)ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kung ako'y mataas na (BJ)mula sa lupa, (BK)ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
33 Datapuwa't (BL)ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa (BM)kautusan (BN)na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
35 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang (BO)sasagitna ninyo ang ilaw. (BP)Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at (BQ)ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.
Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at (BR)siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
38 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita,
(BS)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
39 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
40 Binulag niya ang kanilang mga mata, (BT)at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso
At mangagbalik-loob,
At sila'y mapagaling ko.
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, (BU)sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
42 Gayon man (BV)maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't (BW)dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
43 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At (BX)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y (BY)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (BZ)ay hindi ko siya hinahatulan: (CA)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (CB)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (CC)sa huling araw.
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (CD)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978