Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the Gospels in 40 Days

Read through the four Gospels--Matthew, Mark, Luke, and John--in 40 days.
Duration: 40 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Lucas 21-22

21 At siya'y tumunghay, at (A)nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.

At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng (B)dalawang lepta.

At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.

Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

At samantalang sinasalita (C)ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,

Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, (D)na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.

At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?

At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: (E)sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.

At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi (F)pa malapit ang wakas.

10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;

11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

12 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin (G)kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at (H)sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.

13 Ito'y magiging patotoo (I)sa inyo.

14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (J)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:

15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (K)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.

16 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.

17 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.

18 At hindi mawawala kahit (L)isang buhok ng inyong ulo.

19 Sa inyong (M)pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.

20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong (N)nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang (O)pagkawasak ay malapit na.

21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; (P)at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.

22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, (Q)upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

23 Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at (R)yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, (S)hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;

26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

29 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy:

30 Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw.

31 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.

32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at (T)dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:

35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.

36 (U)Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, (V)na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang (W)mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.

37 At araw-araw ay (X)nagtuturo siya sa templo; at lumalabas (Y)gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo.

38 At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya.

22 Malapit na nga ang (Z)pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua.

At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka't nangatatakot sila sa bayan.

At (AA)pumasok (AB)si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.

At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga (AC)punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.

At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.

At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, (AD)nang hindi kaharap ang karamihan.

(AE)At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua.

At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain.

At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda?

10 At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan.

11 At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?

12 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan: doon ninyo ihanda.

13 At nagsiparoon sila, at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.

14 At nang dumating ang oras, ay (AF)naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.

15 At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:

16 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, (AG)hanggang sa ito'y maganap (AH)sa kaharian ng Dios.

17 At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin:

18 Sapagka't sinasabi ko (AI)sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.

19 At siya'y dumampot ng tinapay, (AJ)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

21 Datapuwa't (AK)narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang.

22 Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya!

23 At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.

24 At nagkaroon naman (AL)ng isang pagtatalotalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila.

25 At kaniyang sinabi sa kanila, (AM)Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang mga may kapamahalaan sa kanila'y tinatawag na mga Tagapagpala.

26 Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: (AN)kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya (AO)ng naglilingkod.

27 Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod.

28 Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin (AP)sa mga pagtukso sa akin;

29 At kayo'y inihahalal kong (AQ)isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,

30 (AR)Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; (AS)at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.

31 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni (AT)Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo:

32 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik (AU)ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung (AV)makapagbalik ka nang muli, ay (AW)papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

33 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at (AX)sa kamatayan.

34 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, (AY)Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.

35 At sinabi niya sa kanila, (AZ)Nang kayo'y suguin ko na walang (BA)supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi.

36 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak.

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (BB)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (BC)katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, (BD)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (BE)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.

41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,

42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.

43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.

44 At nang siya'y nanglulumo ay (BF)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.

45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (BG)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

47 (BH)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.

48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (BI)ng tabak?

50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.

51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (BJ)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.

52 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga (BK)punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas?

53 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang (BL)inyong oras, at (BM)ang kapangyarihan ng kadiliman.

54 At kanilang dinakip siya, at (BN)dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. (BO)Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro.

55 (BP)At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng (BQ)looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila.

56 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya.

57 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala.

58 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.

59 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo.

60 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok.

61 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, (BR)Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo.

62 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.

63 (BS)At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay.

64 At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas?

65 At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura.

66 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi,

67 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan:

68 At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot.

69 Datapuwa't (BT)magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.

70 At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang (BU)Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi (BV)na ako nga.

71 At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978