Add parallel Print Page Options

20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (A)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (B)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (C)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (D)(E)

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 17:20 Sa mga ibang Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 21 Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno.

21 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Kung kayo'y may pananampalataya, at (B)di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo (C)sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari.

Read full chapter

23 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang magsabi sa bundok na ito, Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso, kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya; ay kakamtin niya yaon.

Read full chapter