Font Size
Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God / Matthew 5:21–24 (Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)
Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Mateo 5:21-24
Turo tungkol sa Galit
21 “Narinig ninyong sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay, at sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; sinumang magsabi sa kanyang kapatid, "Raca",[a] ay pananagutin sa Sanhedrin; at sinumang magsabi, ‘Ulol ka’ ay mananagot sa impiyernong nagliliyab sa apoy. 23 Kaya't kung mag-aalay ka ng iyong handog sa dambana at doon ay naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo ang iyong handog sa harap ng dambana at umalis ka. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at pagkatapos ay bumalik ka at ialay mo ang iyong handog.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.