Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God

40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Lucas 18:10-14

10 “Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang manalangin—isang Fariseo at isang maniningil ng buwis. 11 Ganito ang panalangin ng Fariseo habang mag-isa siyang nakatayo, ‘Diyos ko, pinasasalamatan kita na hindi ako tulad ng ibang tao—mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya o gaya ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang ulit akong nag-aayuno sa isang linggo. Nagbibigay ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ 13 Samantala, ang maniningil ng buwis ay nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit at binabayo ang kanyang dibdib sa pagsasabing, ‘Diyos ko, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan.’ 14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong iyon na itinuring na matuwid ng Diyos at hindi ang Fariseo. Sapagka't ang bawat nagtataas ng kanyang sarili ay ibababa at ang bawat nagbababa ng sarili ay itataas.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.